Capítulo 19: Running
Jhon's POV
Matagal-tagal na rin ng huli akong nagpunta dito. It is Jake's hospital room. Hiniling nyang na ilipat sya sa ibang room kasama itong mga ibang batang tulad nya.
"Kuya Jhon isa pa!" Sabay-sabay na pangungulit ng tatlong ito. Si Jake at ang dalawa nya pang ka-room.
"Oo na, oo na pero pagkatapos nyo na kumain." Natatawa lang ako sa kanila. Sinong nagsabing may sakit itong mga makukulit na batang ito?
"Tara na Kuya Jhon samahan na lang kita sa Cafeteria kumain."
Masiglang nagkukwento si Jake sa akin. As usal masayahin talaga ang batang ito. Ang dami pa kumain.
"Kuya?"
"Bakit?"
"Nakausap mo na ba si Mommy?"
Natigil ako. Alam nyang may alitan kami ng babaeng yun. Pilit nya kaming pinagbabati pero hindi pa talaga ako handa.
"Patawarin mo na sya Kuya."
"Hindi ko alam Jake. Hindi ko alam."
"Kuya.. Hiling ko na lang sayo yan. Sana mapatawad mo sya bago ako mamatay."
Bago ka mamatay? Hindi pwede yun. "Hindi ka mamamatay Jake."
"Pero kuya nahihirapan na ako. Tingnan mo ako ngayon, wala nang buhok, maputla at mahina. Mag-dadalawang taon na ako dito sa hospital pero hindi pa rin ako gumagaling." Ngayon nakikita ko na ang pagtulo ng luha nya na para namang sumisikip ang dibdib ko sa bawat patak nun.
"Jake, don't say that. Mabubuhay ka. Ano.. Bata ka pa.. Diba gusto mong maging piloto? Pag-aaralin kita.. Jake, ang kailangan ko lang sayo ay ang lumaban ka."
"kuya.."
"Ang drama na mana natin.. Hehehe! Ikaw talaga Jake para ka nang matanda. Ilang taon ka na nga uli?"
"12"
"Kita mo? Bata ka pa. May pag-asa pa. Ano ka ba?! Sabi ni Wena magpapagaling daw sya, sabay kayo tapos papakasalan ka nya diba?"
Natawa naman sya dun. "Kuya! Ayoko nga kay Wena! Kalbo yun!" Namumula na sya.
"Asus! Ayaw daw. Bakit ka namumula jan tska kalbo ka rin naman ngayon ah."
"Tapos ka na ba kumain? Tara laro na tayo sa labas!"
Lumipas ang oras na nadun lang kamisa playground ng ospital. Panay ang padulas nya, nagseasaw pa pa kami tapos noong mapagod na naupo kami sa swing. Nakakapagod at nakakauhaw kaya binilhan ko sya ng juice at naupo na kami sa bench. Asaran pa rin kami. Syempre lagi ko syang kinukulit pagdating kay Wena. Mukhang dun sya may violent reaction eh kay naman sarap asarin ng husto.
"Tigilan mo nga ako Kuya! Pag may kilala lang akong babae mo patay ka sa akin."
"HAHAHAHA!" Nasakit na ang tiyan ko. Kakabagan ako dito sa batang ito. Pulang pula na ang mukha at malapit na sumabog. "HAHAHAHA!"
"Ayoko na sabi!"
"HaHAHAHA! Okay! Wag ka na manghampas." Inabot ako ng kay tagal-tagal bago kumalma "Bago mo pa ako asarin sasabihin ko na sayo. May nililigawan nga ako." Natatawa na naman ako.
"Wehh? Ikaw? Imposible!"
"Wag ka maniwala. Hahaha! Basta tulad mo nakakatawa rin sya. Napakainosente kasi, dagdag pa yung pagiging masungit nya. Pero maganda sya, mahinhin at matalino. Magaling din sya mag piano at flute.... Oh bat nanahimik ka jan?" Kumunot na lang yung noo ko kasi nakatanga na lang sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2489247-288-k748803.jpg)
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Teen FictionJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?