May tendency na malito kayo. Eto yung list ng mga character sa chapter na ito
Kabarkada ni Jhon (boys)
-Raven (My Secret Bodyguard)
-Bien (My Secret Wife)
-Hal (My Secret Affair)
-Darelle (My Secret Love Game)
Girls na kakilala ni Jhon
-Ellah
-Mia
-Lea
-Dana (na ang pagkakaalam nya ay Darna)
-Amanda (best girl friend nya)
Dito kayo baka malito kasi si Jhon nalilito din sa kanila.
-Elise (girlfriend ni Hal, artista)
-Kate (pinsan ni Bien na naging ka schoolmate nila Bien at Raven)
-Aya(bff ni Kate, schoolmate din nilang 2 dati)
-Lovely (gf ni Darelle)
-Sabrina (gf ni Darelle)
Capítulo 3: Vication Confirmation
Dana's POV
"Dana, ma smabuti pa kung mag beauty rest ka na para sa bakasyon galor mo!" Masayang sabi sa akin ni Mama habang nagliligpit ng pinagkainan namin.
"Sama ako!" Patalontalon pa si Jessica.
"Ano ka ba anak! Hayaan na muna natin si Ate Dana mo makapagsaya naman kasama ang friends nya." Papa.
"Sige na nga. Basta ako din. Kami nila Betsy."
"Sige. Matulog ka na at paglumaki ka katulad ng Ate mo papayagan din kita."
"Sige po!" Nagtatatalon si Jessica na umakyat na sa kwarto para matulog.
Aakyat na rin sana ako pero maysasabihin pa daw si Papa.
"Sa susunod na sem lilipat na uli tayo."
Nanatiling tahimik si Mama samantalang si Papa naman nakayuko.
"Hindi po ba kayo napapagod sa ganito?"
"Para sa kaligtasan mo ito mahal na prin-"
"Crap! Para sa kaligtasan ko? Ilang milya ang layo ng Leuropia sa Pilipinas? Sa lahat ba ng paglipat-lipat natin na sundan nila tayo? Hindi naman diba."
"Kailangan pa rin po natin.."
"Hindi ba kayo napapagod? Kasi ako, pagod na. Ayoko nang magpalipat-lipat pa. Hindi ba kayo naaawa kay Jessica at kay Niella na hindi magkaroon ng normal na buhay?"
"Pagpaumanhin nyo po, ngunit ayus lang naman sa amin ang ganitong kalagayan." Sabat naman ni Mama.
Walang patutunguhan itong usapan na ito. Lagi naman akong talo sa kanila. Para lang naman talaga sa akin ito.
Pumanik na lang din ako sa kwarto ko.
Nakita ko si Jessica na tulog na. Naaawa naman tuloy ako sa kanya.
Hindi ko sila tunay na pamilya. Ang tinatawag kong papa ay si Mirko Angeles. Kamaganak sya ng tunay kong ina at sa kanya ako pinaubaya para makaligtas sa kaguluhan sa bansa namin. Asawa nya si Niella ang tinatawag kong mama at ang kapatid ko kunwari na ang totoo ay pinsan ko sa tiyo ng tiyo ko na si Jessica ang nadamay sa utos ni Ina.
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Genç KurguJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?