43: End

20.9K 304 19
                                    


anyway, eto na ang chapter 42. Totoo to :))

Capítulo 43: End

Jhon's POV

Thousand Miles. Naaalala ko nang tugtugin yun ni Dana dati. Hindi ko makakalimutan yun kasi yun ang unang beses ko soyang mahalikan. Siya lang si Dana na tahimik at may pagka-anti-social, simple at walang kaproble-problema ang buhay namin noon. Gusto kong ibalik yun kung kaya ko.

Pero ngayon dapat ko muna siyang iligtas. Nagawa ng grupo ang makapasok sa palasyo ng walang kahirap-hirap. Open kasi sila sa araw na ito para matunghayan ang nakakasukang kasal ni Gustavo at ng prinsesa. Nakapasok kami na may kaniya-kaniyang pwesto.

May mga sundalong nagpangap na kasapi sa hukbo ni Gustavo. Mayroon ding mga nagpanggap ng pangkaraniwang tao at kunwaring nanunuood lang. May isa sa mga sakristan ang kasama namin at sa mga choir ay mahigit sampu ang nakadisguise. Ako naman tumutugtog ng piano. Nagpapangap na isang pianista.

Nakatuwa nga kasi walang nakakahalata na iba na yung tugtog. Binago ko lang ng arrangement at mas pinabagalan ang tempo. Sa tingin ko si Dana lang ang nakapansin. Nagkatama kasi ang mga mata namin. Ilang segundo rin siyang nakatingin sa akin. Sa ilang segundo na yun parang tumigil ang lahat. Siya lang ang takikita ko. Her hair was tightly bund at the center of his head. She looks so beautiful as ever. Well, much beautiful in her wedding gown.

Naputol lang ang pagtitinginan namin ng may ibulong si Gustavo sa kaniya. Ngumingiti-ngiti pa ang gago. Makita ko lang siya gusto ko ng durugin pagmumukha niya.

"Jhon, anong ginagawa mo?"

Nahinto ako sa panggagalaiti ng kalabitin ako ng isa sa mga kasamahan ko. Nagpapangap naman siyang wedding planner. Napansin niya siguro ang tinutugtog ko.

"Maghanda ka para sa signal na ibibigay nila. Alam mi na naman ang gagawin."

I nodded. I slowly stopped playing when the priest started his seremony. Kaunti lang ang naiintindihan ko sa kaniya sa lalim ng pagsasalita niya. "Ngayon matutunghayan natin ang pag-iisang dibdib ng ating pinakamamahal na punong ministrong Gustavo at ng prinsesang Daniella Whilhelmina. Gayun din ang pagbibigay basbas ng kanilang tungkulin bilang bagong Hari't Rayna ng kahariang Leuropia."

Nakafocus lang ang tingin ko kay Dana. I can't wait to touch her, to hug her, to kiss her, to tell her that I love her.

Napaksi ang pagtitig ko kay Dana ng marinig ko ang signal. Isang nakakabinging pagsabog sa labas ng hall. Natigilan ang lahat at napatingin sa labas. Nagkagulo na ang mga tao. Kaniya-kaniyang takbo sa takot na narinig. Si Gustavo hindi rin malaman ang gagawin. At yun ang cue ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Dana. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara na." Sabi ko sa kaniya bago ko siya hinila pababa ng altar.

"Saan kayo pupunta?! Titigil kayo o papasabugin ko ang bungo niyo?"

Nahinto si Dana kaya't napahinto na rin ako. Sinundan ko kung saan siya nakatingin... Kay Gustavo na kasalukuyang may hawak na revolver at nakatutok sa direksyon ko.

"Gustavo!" Dana squeezed my hand tighter.

"Sasama ka ba sa lalaking yan mahal na prinsesa o babalik ka dito upang tapusin ang seremonyas?"

"Nababaliw ka na talaga! Gusto mo pang ituloy ang kasal sa kaguluhang ito?"

"Walang makakapigil sa akin mahal na prinsesa."

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon