Epilogue
Dana's POV
Five months before...
Tutuloy o hindi? Tutuloy o hindi? Tutuloy o hindi!
Mababaliw na ako!
Ngayon na ang araw ng kasal ko, at ngayon na rin ang araw nang alis ni Jhon.. Hindi na tuloy kahapon ang alis niya kaya ngayong sakto nang araw ng kasal ko at ng koronasyon siya aalis.
Pag-ibig o bayan?
Handa na ba ako para dito?
Nilunok ko na lang ang lahat. Wala nang atrasan 'to.
"Handa ka na ba mahal kong anak?" Lumapit si ama na nakangiti.
Ilang ulit na katangungan yan sa utak ko pero wala... Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko nandito na ako.. Bahala na!
Pinilit kong ngumiti. "Opo."
Nagsimula nang tumunog ang wedding march. Napakapit ako ng mabuti kay ama. Mabagal ngunit parang ambilis naming makarating sa altar.
Nakita ko si Roberto. Napakagwapo niya sa suot na suit. Gaya ko hindi rin siya mapakali pero nakikita ko na mas magaling siya magtago ng nararamdaman.
Pagkarating namin sa harap, nagbigay pugay si Roberto kay ama at ina. Pagkatapos nito'y sa gitna mismo ng alatar ay umupo silang dalawa.
Noong maayos na ang lahat, nagpunta na sa harapan ang magkakasal sa amin. Isa sa pinakamaatas na pari sa bansang Leuropia.
"Narito tayo ngayon sa harap ng ating pinakamamahal na Hari at Reyna ng Leuropia at sa buong bayan ng Leuropia upang matunghayan ang pag-iisang dibdib at koronasyon nang magiging susunod na hari at reyna..."
"SADALI!"
Natigilan ako at napaharap kay Roberto. Nagkasabay kami ng sabi. Mas malakas nga lang yung sa kaniya.
"I... I'm sorry Daniella but I can't." Humarap siya sa paring kaharap namin tapos napatingin siya sa mga magulang ko. "Patawarin niyo po ako." Yumuko siya. Yukong yuko.
"Roberto.." Napabulong na lang ako.
Pagkaangat ng ulo ni Roberto ako naman ang tiningnan niya uli. "Hindi sa hindi kita mahal, hindi sa may mas mahala akong iba... Hindi ko lang talaga kaya.. Maging hari ng bansang ito.."
Nagsimulang magbulong bulungan ang mga manunuod. Nalilito sila kung bakit buma-backout itong si Roberto.
Lumapit si Roberto sa akin at binulong. "Alam ko ring siya ang sinisigaw ng puso mo. Ginagawa ko rin ito para sayo.."
Hindi ko alam ang ire-react ko. Eto na ba ang sign? Eto na ba ang gustong mangyari ng tandhana? Eto ba ang sagot sa lahat ng tanong ko?
Pero pano ang bansa ko? Ganun na lang ba namin tatalikuran ang tungkuling nakaatang para sa amin?
Sa mga sandaling iyon tila gusto kong sampalin si Roberto. Parang wala lang kasi sa kaniya ang desisyon na ito. Nakangiti pa rin siya at tila baga walang inaalala.
Samantalang ako... Hindi ko alam kung tama ba ang sinisigaw ng damdamin ko.
Lumipat nang tingin si Roberto sa mga taong dumalo para sa araw na ito. Tila may hinahanap siya sa dagat ng mga tao. Seryoso niyang nilibot ang paligid hanggang sa matigil siya sa isang part. Doon nakita kong nagliwanang ang mukha niya. Dali-dali siyang bumaba ng altar upang magtungo sa kung sino man ang nakita niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2489247-288-k748803.jpg)
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Novela JuvenilJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?