Capítulo 28
Dana's POV
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi man lang siya nagsasalita.
"Jhon.."
Saka lang siya tumigil ng makarating kami sa isang park. Binitawan niya na rin ako habang siya naglalakad papuntang swing. Uupo lang pala.
Nilapitan ko siya at umupo sa katabi niyang swing. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik kung tahimik. Nakakailang kasi. Pero anong gagawin namin dito? Ganito na lang? Hindi ko na kaya. Hihingi na ako ng tawad sa kaniya.
"Sorry."
Nagkatinginan kami. Sabay kasi kaming nag-sorry. Pinauna na naman niya akong magsalita.
"Sorry.. Yung nakita mo..." Sasabihin ko na ba talaga ang totoo? Na prinsesa ako at si Roberto ang mapapangasawa ko? "Ano...yung kay Roberto.."
"Wala lang yun diba? Nakita kong umiiyak ka. Pinapatahan ka lang naman niya diba? Sorry kung nag-init ang ulo ko. Yung pinsan mo kasing si Robert makatingin sa akin parang sinasabing 'Akin na si Dana mo'."
Napangiti ako sa huling sinabi niya. Dahil lang dun nanapak na siya. Hayy..
"Hindi ako nagpakita ng ilang araw kasi nahihiya ako. Dagdag pa yung kailangan kong samahan yung kapatid ko para therapy niya. Dana, will you still forgive me?"
Wala naman talaga siyang nagawang kasalanan sa akin. "Oo naman."
"Yes! Thank you Labs." Niyakap niya ako. At mukhang tuwang tuwa siyang nagkabati kami. Kakaiba talaga siya. Kakaibang kakaiba. "Tara na."
"Saan tayo pupunta?"
"Iuuwi ka. Unless na gusto mong magdate pa tayo." Taas baba yung kilay ni Mental. Haha! Nanaalala ko yung tawag ko sa kaniyang 'Takas sa Mental'.
"Sira!" Nahampas ko tuloy siya, yun nga lang sa halip na masaktan mukhang balewala lang saka niya na hinuli yung kamay ko.
"Gusto mo pala holding hands tayo? Sige na nga."
Aba't! Wala pa nga akong sinasabi...pero hindi na ako pumalag, iba sa feeling eh. Ngayon lang kami maghahawak ng kamay habang naglalakad. Sana laging ganito kahit nasabi ko na sa kaniya kung sino talaga ako.
Sa totoo lang. Ako naman talaga siya ang may kasalanan noong nakaraang gabi. Hindi ko sinabi sa kaniya kung sino ang totoong ako. Sa halip, siya pa tuloy ang nag-sorry at natuwa ng magkaayos kami.
<3
Jhon's POV
Grabe! Ang bilis ng panahon. Parang noong December 31 lang ako sinagot ni Dana tapos ngayon March 31 na. Third month anniversary namin ngayon. Dalawang beses pa lang kaming nagse-celebrate kasi wala namang 31 ang Feb kaya ngayon mas malaki yung pera ko para sa date namin. Napag-ipunan ko 'to.
"Saan mo ba ako dadalhin?" As usual, hindi na naman siya makapaghintay at kanina pa tanong ng tanong.
Dadalhin ko muna siya kay Jake, yung kapatid ko. Ngayon ko na siya ipapakilala. Lagi kasi akong kinukulit nung kapatid kong yun na ipakilala na sa kaniya si Dana.
![](https://img.wattpad.com/cover/2489247-288-k748803.jpg)
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Novela JuvenilJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?