4092019- Matatapos na 😭❤️
dedicated to Ahl. Ayan na po. hahaha!
Capítulo 48: Coding
Jhon's POV
Number coding na naman ang sasakyan ko.
"Jhon, you're late, again." Salubong kagad nung professor sa akin.
Kala ko di na niya ako mapapansin kasi halos gumapang na ako papasok. Akala lang pala. Psh! Sana naglakad na lang ako ng maayos papunta sa mesa ko.
Nginitian ko lang siya. "Good morning Ma'am. Ang ganda niyo po." Kumindat pa ako sa kaniya kaya naman nagtawanan yung buong klase. Matandang dalaga kasi yung prof.
"You may take your seat and finish your work." Namumulang sabi niya. Napayuko siya at napaayos ng salamin. Mas lalong tumawa yung mga classmate ko.
Web designing ang subject na 'to. Kung hindi lang required magpasa ngayon ng final output hindi ako papasok. Ayoko talaga pag-coding ng sasakyan ko. Bukod sa kailangan ko magcommute, parang kailangan din iplay ng utak ko kung pano kami unang nagkita ni Dana.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Dana na naman. Gusto ko na siyang kalimutan. Ginagawa ko naman lahat. Hindi na ako nakikinig ng balita, hindi na rin ako kumakain ng orange. Lagi na akong nakatayo tuwing sasakay ng subway, lagi na rin akong busy. Bukod sa pinagpatuloy ko ang paglalaro ng soccer, sumasideline din ako as web disigner (ako yung bagong nagdesign ng website ng DT Group of companies). Tapos pagfree day ko, lagi akong nasa farm para tumulong sa mga trabahador ko doon. Pero kahit na anong gawin ko, laging may butas sa utak ko na napapasukan ng alaala ko kay Dana.
Masyadong makulit siya sa utak ko.
<3
Pagkatanghalian, sa labas kami kumain nila Raven, Bien, Hal at Darelle. Pinagtataka ko lang ay yung mga tanong nilang.. "Alam mo na ba?"
"Ang alin? Langya kayo ah! Kanina pa kayo tanong ng tanong kung alam ko na pero hindi nyo naman sinasabi sa akin." Naiinis kong sabi sa kanila.
"Ang totoo niyan Jhon, kagabi ko pa gustong sabihin 'to pero--." Napahinto si Hal sa sinasabi niya sa akin ng pigipan siya ni Raven.
"Dude, hayaan mo siya." Ngumiti siya ng nakakaloko. Ayan na naman siya sa trip niya. Natatakot na talaga aki diyan kay Raven pag ganyan na ang ngiti. Naaalala ko yung tinulungan nila ako para magkaaminan kami ni Dana.
Tss.. Dana na naman?!
"Raven, ayaw mo bang.." Si Bien.naman yun na nakakunot ang noong tinatanong si Raven.
Hindi siya sumagot. He looked at Darelle and both of them smirked.
"Takte! Makaalis na nga. Badtrip! Kung ayaw niyo sabihin di wag." Tumayo ako sa kinauupan ko para umalis na. Nakakawala sila ng gana.
"Galit na oh!" Pagbibiro pa ni Raven.
"Bihira lang yan magalit." Dagdag pa ni Bien.
"Ewan ko sa inyo. Bye!"
Naglakad na lang ako pabalik sa BU. Balak ko sana mag training na lang kaso lang gamit ng rugby team yung mga training equipment at yung feild.
Sa likod ng abandond building na lang ako nagpunta. Nakita ko kagad si Manong Rene na may seryosong mukha lagi. Natatakot nga karamihan ng mga estudyante sa kaniya. But not me.. I know him since first year. Mas matino pa nga sya kausap kaysa sa mga kaibigan kong loko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2489247-288-k748803.jpg)
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Ficção AdolescenteJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?