Capítulo 47: Goodbye
Dana's POV
Nagising akong masakit ang ulo't katawan. Ayoko pang idilat ang mga mata ko. Ayokong magising sa katotohanan.
Ngayon na ang araw.
Tatlong araw na ang nakakalipas matapos naming magpunta sa hot spring. Matapos naming mag-usap. Matapos ko siyang halikan...
Matapos nang tanggihan niya ako.
Tama, walang nangyari sa amin. Sabi niya, nirerespeto niya raw ako. Sabi niya may mas mahalaga pa kesa sa sex na inaalok ko. Sabi niya hindi raw dahil dun kaya niya ako mahal.
Nalungkot ako noong una. Tapos umiyak ako uli. Hindi tumitigil hanggang gabi. Hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil sa nagpapasalamat akong hindi ganun ang iniisip niya sa akin. Mahal niya nga ako. At iiwan niya rin ako.
"Bawal pong pumasok. Natutulog pa po ang prinsesa."
Narinig kong sabi ng isa sa mga katulong ko.
"Hindi ba pwedeng kahit makita ko lang siya? Baka gising na siya. Sabihin mo nga, inutusan ka ba niyang magsinungaling?" Pamilyar ang boses. Alam ko na kung sino yun.
"Tulog po talaga ang prinsesa."
"Nakikiusap ako."
Hindi sumagot ang katulong ko pero nahuhulaan kong umiiling ito.
"Dana!"
Napabangon ako sa kinahihigaan ko.
"Dana, please, I want to talk to you for the last time."
Umiling ako at napaluha. Masakit na ang ulo ko't katawan kakaiyak. Napupuyat ako kakaisip. Hindi ko sya kayang harapin.
"Kung hindi ho kayo titigil ay handa akong tumwag ng kawal upang ilayo ka rito."
"Naman! Gusto ko lang makausap ang prinsesa." Madiin niyang sabi. Maya-mayay may kumatok uli sa pintuan ko. "Alam kong gising ka. Alam ko ring hindi mo 'to kaya. Pero Dana, kahit sa huling pagkakataon gusto kitang makausap."
Bumangon na ako sa kama. Pinahiran ko muna ang luha ko bago ko tuluyang buksan ang pintuan.
"Iwan mo muna kami Mildred." Sabi ko sa katulong ko. Sumunodnaman ito at umalis.
Si Jhon sumunod din sa akin papasok sa kwarto. Nakangiti siya ngunit halata sa mapupungay niyang mata ang pagod at puyat na nararamdaman ko.
"Knock, knock.."
Napasinghot at nanliit ang mata ko sa sabi niya. Anong ibig sabhin noon? Nakapasok naman siya.
"Come on! Joke 'to. Knock, knock.."
Joke? "Who's there?"
"Dana Aguilar"
"Dana Aguilar who?" Ano bang pinagsasabi nito?
"Dana Aguilar sa'king palasyo~ Dana Aguilar ay manibago~"
Ano daw? Dadalhin ginawang pangalan ko?
Iyak tawa tuloy ako dahil sa kaniya. Hindi ko malaman kung ano dapat ang maramdaman ko. Eto kasing si Jhon kahit sa ganitong pagkakataon, pinapatawa pa rin ako. "Ang corny mo kahit kailan."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay hinila niya ako para yakapin niya.
"Jhon.."
"Last.. Let me hug you for the last time."
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Teen FictionJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?