Sorry, di ko pa ata siya nae-edit.
Capítulo 33
Dana's POV
"You look beautiful!" Excited na puri sa akin ni Lea.
Magkakasama kami ngayon sa isang salon para sa BU Grand Ball. Oo, sasali pa rin ako kahit na hiwalay na kami ni Jhon. Pinilit ako nila Lea at Amanda na sumama.
Wala pa kasi silang alam sa nangyari sa amin ni Jhon. Ang akala nila tampuhan lang. Normal lang daw yun, ngunit ang totoo ay tapos na kami. Hindi na nga nagtatangkang kausapin ako ni Jhon bukod na lang kung kinakailangan talaga. Sa harap ng mga kabarkada namin normal kami, na para bagang walang nangyari.
Para naman talagang walang nangyari kasi nanjan pa rin lagi si Jhon sa tabi ko. At yun ang pinagtataka ko. Hindi na nya raw ako mahal pero bakit para siyang buntot na sunod pa rin ng sunod?
Sumasama na nga ang lalo ang nararamdaman ko kasi hindi ako makapag-move on.
"KYYYAAHH!" Nagulat ako sa pagsigaw nila.
"Ano na kayo? Ang iingay nyo." Saway ko.
"Dana, ang KJ mo talaga. OMG!" Napatingin naman kami sa gulat na expression ni Amanda.
"Seven pm na!"
Start na pala ng Ball!
<3
BU Grand Ball...
Masama ang kutob ko sa gabing ito. Siguro dahil makikita ko si Jhon o kaya naman ngayon na lang ako uling nag-ayos ng ganito kagarbong damit. Si Niella ang gumawa ng gown ko. Gustong gusto niya akong pumunta dito kaya naman talagang hindi na ako nakatanggi ng makita ko yung gawa niyang gown.
"Tatayo ka na lang ba jan?" Tanong ni Amanda, hinihintay niya akong makapasok.
"Kinakabahan kasi ako." Matamlay kong sagot. Parang gusto ko na lang umuwi.
"Asus! Dana, party lang 'to. Tska, patunayan mo kay Jhon na okay ka lang."
Nagulat ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman?
"Pano ko nalaman? Obvious kaya sa inyo kaya tinanong ko si Jhon. Ayaw niya aminin ang nangyari pero sinabi niya na hindi na raw kayo."
Napalunok ako. Ngayon ko lang ito mapaguusapan sa ibang tao. Isang linggo kong tinago ang sakit na nararamdaman ko.
"Hindi ko alam Amanda. Sabi niya hindi nya na raw ako mahal."
"Hayy.. Hindi ko alam kung ano na ba nangyayari jan sa bestfriend ko. Pero sure akong minahal ka niya at maski siya hindi pa rin nakaka-move on. Pag pasensyahan mo na ah? Never pa kasi yang napasok sa isang relasyon. Takot na iwan siya tulad ng ginawa sa kaniya ng Mommy niya."
Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita kasi maiiyak.lang ako ng tuluyan. Hindi ko.naman siya pwedeng pilitin na mahalin niya pa rin ako. Siguro tama lang na matapos na ang namamagitan sa akin para hindi na kami.mahirapan pa pag tumagal yung relasyon.namin at malaman niyang ako ang prinsesa ng Leuropia.
"Naku, Dana.. Ayokong mag drama tayo ngayon. Sayang yung make-up natin. Let's go inside! Will going to make the guys droll for us!"
Tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti.

BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Teen FictionJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?