45:

19.7K 293 3
                                    

Unedited

Capítulo 45

Dana's POV

Pagkatapos ng unos ay may kaligayahan din tayong matatamo. Mahirap man makalimot sa mga taong nawala sa atin ngunit hindi pa katapusan ng mundo sa ating mga nabubuhay. Nabubuhay tayo para sa kanila. Wag nating aaksayahin ang mga bagay na isinakripisyo nila.

Ngayon ang ikatlong araw ng kapistahan ng tagumpay ng bagong Leuropia. Matapos ang libing at ang paglilitis kay Gustavo at sa iba pang kaalyansa nito'y nagawa na ring magsaya ng mga tao.

Sa loob ng tatlong araw, hindi pa rin napapagod ang mga tao magsayawan, kantahan, inuman, kainan at kung ano-ano pang klaseng kasiyahan. Isa na ang paghihirang sa mga iba't ibang sundalong nakaligtas sa digmaan. May mga nakatangap ng gantimpala, may roon ding tumaas ang posisyon kagaya ni Mirko. Hindi lang siya kabilang sa hukbo kundi kabilang na rin siya sa council ng hari.

Ganoon din si Jhon. Inalok siya ni ama na maging Leutenant pero tinanggihan niya ito kaya't ang pagiging Sargent na lang ang ibinigay na posisyon sa kaniya ni ama.

"Bakit ayaw mong maging Leutenant?" Tanong ko.

Nasa isang burol kami kung saan kita ang kasiyahan sa loob at labas ng palasyo. Kahit dapit hapon na'y maingay pa rin at maraming tao sa kalsada.

"Hindi naman ako magtatagal dito."

Napatingin ako sa kaniya. Sa loob ng mahigit na isang linggo niyang pamamalagi dito, kala ko hindi na siya aalis.

"Bakit hindi ka na lang dito tumira?" Pinipigilan kong wag maluha. Hindi pwede.

"Alam mo ang sagot diyan Dana."

"Pero.." Sabi kong wag iiyak. Nakakainis! Tumutulo na lang ang luha ko ng kusa.

Hinawakan ni Jhon ang magkabilang bisngi ko para magkaharap kami. Umiwas naman ako ng tingin. "Tinatanong mo ako kung bakit ayokong maging Leutenant?" Tumango ako. "Alam ko kasing hindi ko magagampanan yun. Kung alam lang ng hari na ako ang karilasyon ng anak niya paniguradong hindi niya ako kukuning Leutenant." Ngumiti siya pero hindi umabot yun hanggang mata niya.

"Jhon, kahit alam kong mangyayari 'to. Kahit paulit-ulit na kailangan ko ng magpaalam sayo.. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. I still love you."

"I do love you."

"Jhon.."

"Dana, pwedeng wag na muna nating pag-usapan ito? Gusto ko sanang sa natitirang araw ko dito sa Leuropia ay makasama ka. Kung pwede kalimutan muna natin kung sino talaga tayo?"

Pinahiran niya ang luha ko. Kahit may time limit ang panahon ko kay Jhon, mamahalin ko pa rin siya. "Anong gusto mong gawin natin?"

Nag-isip muna siya. Maya-maya rin parang kuminang yung mata niya sa na isip. "Naaalala ko noong bata ako may hot spring kaming pinupuntahan ni Dad sa bundok."

"Alam ko kung saan yun!"

"Hot spring tayo bukas."

"Game. Pero anong gagawin natin ngayon?"

"Siguro bumalik muna tayo sa palasyo. Nagsisimula na namang umulan ng snow."

Oo nga. Nahuhulog na naman ang mga niyebe. Taglamig na nga. Matagal ding hindi ako nakaranas nitong taglamig. Eto ang pinakana-miss ko sa Leuropia. Ang yelo. Ang niyebe. Nagbalik na nga ako sa tahanan ko. At ngayon, kasama ko si Jhon.

"Mukha kang baliw. Kanina umiiyak, ngayon ngumingiti na lang." Pang-aasar niya. Akalaing mong na-miss ko rin yun. "Oh, ngayon nakatingin ka na naman sa akin ng ganyan. Gusto mo ba ng kiss?"

"Ikaw nga diyan ang takas sa mental." Hinampas ko siya sa dibdib yun nga lang nahuli niya yung kamay ko.

"Oh ang brutal pa. Prinsesa ka ba talaga?"

"Kakainis ka!"

"Mahal mo naman."

"Yun na nga e." Napangiti na naman tuloy ako. Nawala na yung asar ko at parang yung kiss na sinasabi niya ay nagkaka-appeal na sa akin.

"Sabing wag kang titingin ng ganyan hahalikan talaga kita." At hinalikan nga ako. Hindi ako nagprotesta. Maski ito na-miss ko at mami-miss ko. Hindi ata ako magsasawa sa feeling ng labi niya sa labi ko.





<3

"Mahal na Prinsesa, bakit ka na nakagayak ng ganiyan? Hindi po ba kayo dadalo sa kasiyahan?" Naabutan ako ng mga tagasilbi ko. Dapat gigisingin pa lang nila ako pero naabutan nila akong bihis na.

"Hindi muna ako dadalo. May iba akong pupuntahan."

Sakto naman na may kumatok sa pintuan at dumungaw si Jhon. Hindi nga inaasahan ng lalaking yun na may mga kasama ako. "P-paumanhin mahal na prinsesa, handa na po ang sasakyan natin."

Kita yung pagtataka sa mga mata ng mga tagasilbi ko. "uhmm.. Dadalhin namin si Roberto sa hot spring. Alis na ako." Nagmamadali akong umalis sa kwarto kasama si Jhon.

"Hindi ako siguradong okay pang ang plano natung isama si Roberto." Bulong ni Jhon.

"Nakakatayo na rin naman si Roberto at makakatulong sa kaniya ang hotspring."

Mas nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Hindi yun ang iniisip ko, ang problema ko lang a hindi kita maso-solo."

"Tumigil ka nga." Namumula na naman ako sa pinagsasabi ng lalaking 'to.

"At kasama pa natin si Ara." Mukhang naiinis sya.

"Wag kang assuming na gusto ka pa rin ng tao."

"Hindu naman yun ang pinoproblema ko. Sabi ko nga hindi kita ma--"

"Oo na, oo na. Kung yun ang problema mo, wag mo na abalahin pang mag-isip ng paraan." Ngumiti ako na namumula pa rin.

"Anong plano mo?"

"Hindi ko pa pala nasasabi sayo." Hininaan ko pa ang boses ko. "Si Roberto at si Ara..." Binulong ko na talaga sa kaniya na kami lang ang makakarinig.

"ANO?"

"Kaya hindi lang tayo ang may secret dito." Pigil ang pagtawa ko pero siya parang mas lalong nalungkot.









--------<3



too pero ayokong agawan ang bansang ito. Kailangan ka nila at alam kong ito rin ang gusto mo, ang maging Reyna. I'm willing to sacrifice."

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon