Capítulo 32
Jhon's POV
"Kung mahal mo siya, hindi mo siya sasaktan but look what you were doing? You're lying!"
"Hindi!"
"Totoo naman diba? Tapos ginagamit mo si Roberto para takutin ako. Ang sasama niyo. Mga manloloko. Bakit hindi na lang kayo bumalik sa bansa niyo? Sa Leuropia. Doon kayo nababagay hindi dito. Ikaw naman ang prinsesa diba? Bumalik ka na dun!"
"Sana ganun lang kadaling bumalik sa bansa namin pero hindi. Kailangan naming maligtas."
Hanggang ngayon gumugulo pa rin yan sa isipan ko.
Fvk! Fvk! Fvk! Gusto kong manakit! Gusto kong saktan ang sarili ko! Ang tanga ko para hindi malaman. Tang*na naman yan oh! All this time that I'm looking for the princess... All this time nasa tabi ko pang pala siya, nasa paligid ko, nasa puso ko. Bakit ba ang tanga ko?
Na yung taong hinahanap ko ay yung girlfriend ko.. Yung babaeng kailangan kong protektahan para siya yung susunod na magiging Reyna ng bansang hindi matigil-tigil ang kaguluhan! Ang babaeng hindi ko kinakanti ay ang babaeng minamahal ko.
Si Dana... Hindi pala siya yun. Wala palang Dana Aguilar na nage-exsist kasi ang totoo niyan siya si Daniella Whilhelmina Castille, ang prinsesang hinahanap ko.
Gusto ko siyang sisihin. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit niya ako niloko? Bakit naniwala ako sa kung sino siya ngayon?
But now everything are starting to make sense. Kaya ba wala siyang kaibigan noon? Nakakapagtaka ang galing niya sa maraming bagay tulad ng pangangabayo, pagtugtog ng iba't ibang classical music instrument, pagkilos niya ng napakahinhin at finest, ang pagsasalita niya ng malalalim na salita, ang pagiging magaling niya sa fencing at ang pagkahilig niyang magluto ng Leuropian food. Hindi rin mapagkakaila na ayaw niyang maging malapit ako sa pamilya niya kasi hindi niya yun tunay na pamilya. Si Tito Mirko, iba ang tingin niya sa akin. May pag-iingat at pagbabanta. Kaya pala nakikita ko siyang weird kasi hindi talaga siya pangkaraniwang tao kasi nangaling siya sa maharlikang pamilya and to be exact, siya ang crown princess.
Nakomprima ko na pagka-uwi ko. Ayoko pa sanang maniwala pero totoo nga.
Hindi ko na alam kung sinong sisisihin ko pero ngayon...hindi ko na rin alam kung pano ko siya pakikitunguhan. Siya si Dana na minahal ko pero siya din ang prinsesa. Hindi ko alam!
"Hoy Jhon! Kanina pa kita tinatanong."
Linggo ngayon kaya't nandito itong si Hal pati si Amanda sa bahay ko.
"Ahh.. Ano uli yun?" Ayokong ipakita sa kanila na may problema ako. Ayokong sabihin sa kanila ang nalaman ko.
"May problema ba bro? Lutang ka kanina pa."
"Wala naman. Ano na uli tanong niyo?"
"Malapit na yung BU Grand Ball. Every July yun ginagawa ng mga third year to fourth year student ng Bridge Univ."
"So?"
"So ka jan!" Sabat ni Amy. "This is like a prom night at makakasama ako sa inyo! Kkyaah! I'm super excited. Kadate mo ba sa gabing na yun si Dana?"
"Gusto mo ikaw na lang."
"Sira ka ba?! Hindi ako yung girlfriend mo noh! And besides may nag invite na sa akin."
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Fiksi RemajaJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?