KRING! KRING! KRING!
Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock ko kaya kahit na pipikit pikit pa ay bumangon na ako. Naalala ko kasing may exam kami ngayon sa isa sa mga major subjects namin plus sigurado akong papagalitan na naman ako ni mama kapag nagmamadali na naman akong kumilos.
"Ririella! Gumising kana riyan! Anong oras na!" Sigaw ng nanay ko mula sa baba kaya binilisan ko ang pagtutupi ng pinaghigaan ko.
Si mama kasi akala mo palaging may problema sa buhay at panay ang sigaw kapag nasa bahay pero mabait naman 'yan minsan. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko nang kumakain si Ate Lala at si Jojo, ang bunso naming kapatid.
"Ate, kain na," pag aya sa 'kin ni Jojo nang makita akong dumaan sa kusina para sana mag almusal ngunit nakita kong nando'n na si Ate Lala kaya nagdesisyon akong maligo muna. As much as possible ayokong makasama sa hapag si ate for some reasons.
Ngumiti ako sa kaniya. "Mamaya na Jojo. Maliligo muna si ate," saad ko rito. Tiningnan ko naman si Ate Lala ngunit inirapan niya lang ako. Umakyat nalang ako ulit sa kwarto para maligo muna.
Si Ate Lalaine o Ate Lala ay hindi maganda ang pakikitungo sa 'kin simula pa noong mga bata pa kami. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya sa 'kin eh magkapatid naman kami. Hanggang sa lumaki kami ay gano'n pa rin kaya hinayaan ko nalang siya. Magsasawa rin 'yan sa kakaganyan niya at magbabati rin kami balang araw.
"Pumasok na po sa trabaho si papa?" Pambungad kong tanong habang nagsasandok ng sinangag.
"Kita mong wala, eh 'di malamang pumasok na 'yon," mataray na sagot ni Ate Lala. Hindi nalang ako umimik dahil kapag sumagot ako ay sigurado akong mag aaway lang kami sa harap ng hapag at sigurado rin akong ako pa ang lalabas na masama dahil siya palagi ang kinakampihan ni mama.
"Tama na nga 'yan! Mag aaway pa kayo sa hapag. Wala kang respeto, Ririelle!" Sigaw ni mama. Umupo na rin siya sa hapag para makisalo. "Ikaw kasi Ririelle, magtatanong ka pa eh obvious naman 'yong sagot," dagdag pa niya.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni ate kaya napayuko nalang ako. "Sorry po,"
Ganyan palagi ang eksena sa bahay. Umaga palang ay may sermon na agad akong nakukuha or kaya naman minsan ay may away muna bago ang almusal pero kadalasan si ate ang nagsisimula ng away. Hindi rin naman ako pumapatol unless hindi ko na matiis ang ugali niya.
Si papa naman ay palaging wala dahil sa trabaho niya. Assistant engineer si papa sa isang construction site kaya hindi niya alam kung ano ang sistema rito sa bahay. Ang tanging kakampi ko nalang dito sa loob ng bahay ay si Jojo, ang bunso naming kapatid. Bukod sa mabait na ay nasasabihan ko pa ng problema ko kahit alam ko namang hindi niya pa lubos na maiintindihan ang mga 'yon. He's like my human diary.
"Oy 'te wait!"
Napahinto ako sa paglalakad papasok nang gate ng campus namin nang marinig ko ang boses ni Maica, ang kaisa isang kaibigan ko simula no'ng magcollege ako. Same course and block ang kinuha namin kaya magkaklase kami. "Ho! Kapagod!" Reklamo niya nang tuluyan na siyang makalapit.
"Eh sino ba naman kasing nagsabi na tumakbo ka?" I asked her.
"Ako. Tumakbo na ako baka kasi iwanan mo 'ko eh," Maica answered.
"Tss ba't ko naman 'yon gagawin?" I asked again. She just shrugged her shoulders. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang 3rd floor kung nasaan ang room namin.
"Ay oo nga pala, malapit na 'yong intrams, anong sport ang sasalihan mo?" Tanong niya nang makarating na kami sa room.
Inilapag ko muna ang bag ko sa upuan at gano'n din siya. Magkatabi lang ang upuan namin kaya todo daldal siya.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...