Chapter 14

141 5 0
                                    

These past few days, ang dami kong pinagdaanan sa mga taong nakapaligid sa 'kin pero lahat ng 'yon ay parang bigla nalang nawala nang sabihin niya sa 'kin na mahal niya ako. Sinabi niya 'yon nang diretso, ibig sabihin, she's definitely sure about that thing.

It was unexpected. Though, alam ko namang may gusto siya sa 'kin, still I was surprised when she said those words. Akala ko hindi pa siya umaabot sa puntong gano'n. Hindi ko alam kung anong irereact ko do'n.

Noong sinabi niyang mahal niya ako, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mabuti nalang ay bumitaw na siya sa pagkakayakap at inaya na akong kumain. Ang tagal ko ring hindi nakatulog kagabi sa kadahilanang binabagabag pa rin ako ng mga salita niya. Parang paulit ulit ko 'yong naririnig kaya heto ako ngayon, puyat.

Tuwing papasok ako ng iskwelahan ay hindi pa rin nawawala 'yong mga bulungan sa 'kin. Noong una, nasasaktan pa rin ako dahil parang sobrang big deal sa kanila no'n given the fact na wala naman sila sa posisyon pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.

Minsan nga palihim nalang akong natatawa dahil naririnig kong mali-mali naman ang mga sinasabi nila. May naririnig pa akong nagcheat raw ako kay Renzie kaya kami naghiwalay. Ayos hindi ba? Hindi ko nga sinagot kaya paano ako magchi-cheat?

Madali ring lumipas ang mga araw at dumating na rin ang araw kung kailan nag announced ang professor sa incoming midterm examination namin.

"Huwag kayo masiyadong pakampante na papasa kayo sa subject ko. Read, study and understand kung ayaw niyong makakuha ng tres. Maliwanag ba?" Tanong nito.

"Yes, sir!" We answered in chorus.

Pasimple kong binalingan si Maica sa may bandang likod. Nahuli kong nakatingin siya sa 'kin kaya bigla niya naman akong inirapan. Hindi ko nalang 'yon pinansin pero deep inside, namimiss ko na siya. Namimiss ko na 'yong kaibigan ko.

Everytime may madadaanan akong grupo ng mga estudyante sa may hallway, hindi nawawala 'yong mga tingin nilang mapanghusga. Isama mo pa 'yong mga usap usapan nila tungkol sa akin. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil unti-unti rin naman na akong nasasanay sa ganitong set up na palaging mag isa.

Nasanay nalang akong ganito na ang takbo ng buhay ko. Simula nang mawala sa 'kin ang ilang mga taong importante sa buhay ko, nasanay na 'kong mamuhay nang ganito. Pinanindigan ko nalang ang ganito at palagi kong mino-motivate ang sarili ko na darating din 'yong araw na masasabi kong wala ng sakit, wala na 'yong bigat at lungkot sa mga nangyari kasi sanay na 'ko at tanggap ko na. After all, I'm still blessed because I have her and I still have myself.

"How about this. A type of migration where the fish are born in freshwater, then migrate to the ocean as juveniles where they grow into adults before migrating back into freshwater to spawn," ani Deans. Bahagya akong napatitig sa kaniya, iniisip ang sagot para do'n. "Sirit na ba?" She said, playfully smiling.

"Teka wait! Uhm...I think it's anadromous. Tama? Tama ba?" I'm not sure about my answer pero somehow feeling ko tama naman ako. Tiningnan niya naman iyong reviewer ko.

"Yup! Galing naman! Genius yarn?" Komento niya na siyang ikinatawa ko.

"Grabe ka naman makapuri, hindi naman ako masyadong matalino,"

"Pa-humble pa oy!" Marahan ko namang hinampas siya sa braso at ang bruha umacting na nasaktan talaga.

"Ouch, Ririe!" Aniya habang hawak hawak pa ang braso niya.

"Tigilan mo 'ko, continue na nga tayo." Mabuti naman at sumunod siya. Bigla tuloy akong may naalala. Kung hindi nasira ang pagkakaibigan namin ni Maica, siguro kami ang magkasama ngayon magreview pero wala eh, eto na 'yon. Wala na 'kong kaibigan.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon