Chapter 4

219 7 0
                                    

Pagtapak ko palang sa gate ng school ay bumungad na sa 'kin ang nakakabinging ingay mula sa mga estudyante at sa kantang pinapatugtog sa may oval. Isang oras nalang kasi ay magsisimula na ang dance presentation ng iba't ibang course.

Nakahanda na ang lahat para sa presentation pati na rin ang iba't ibang booth na pakulo ng ibang department. May mga food stall din sa loob na mula naman sa mga entrepeneurship students. Halo-halo ang ingay na naririnig ko at mararamdaman mo talaga sa paligid na may malaking event ang magaganap.

Dumiretso ako sa building namin at tumungo na sa room. Bumungad sa 'kin ang mga abalang mga mananayaw. May mga nagtatali ng buhok, nagbibihis, nag aayos ng itsura at kung anu ano pang paghahanda para sa sayawan mamaya.

"Uy Ririelle mabuti at nandito kana." Wala na akong nagawa nang hilahin niya na ako patungo sa kung saan. "Tulungan mo naman ako rito," ani Amanda, isa sa mga dancer ng hiphop.

Tinuro niya naman kung ano ang gagawin ko at sinunod ko naman iyon. Halos hindi na magkanda ugaga ang mga kaklase ko sa paghahanda. Halata rin sa mukha nila ang kaba. Iyong iba nga ay pinagpapawisan na kahit hindi pa naman nagsisimula.

"Calling all the attention of all dancers. The program will start in 20 minutes. Please be ready and goodluck everyone." Announcement ng host.

"Guys, tara na! Bumababa na raw lahat." Ani naman ni pres.

Sabay-sabay kaming bumaba at habang naglalakad ay todo kausap kami sa kanila para kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman nila. After all, this is a teamwork.

Nang maupo kami sa designated area namin ay tumabi sa akin si Maica na nakabihis na rin. Bukod sa volleyball ay sumali rin siya sa sayaw. "Goodluck," I whispered to her.

Nagpasalamat naman siya at kinuha ang cellphone. "Selfie tayo. My day ko lang." Gano'n nga ang ginawa namin. Nakailang kuha pa siya ng shots kasama ang iba naming mga kaklase. Mayroon din kaming groupie do'n.

Patingin tingin ako sa cellphone ko dahil inaantay ko kung may text na ba si Renzie. Hindi na kasi siya nagtext kagabi nang magreply ako sa kaniya. Ngayong umaga naman ay wala pa rin. Busy lang siguro dahil laro na nila mamaya.

Naging palaisipan din sa 'kin kung bakit nando'n sina mama at ate sa kanila kagabi. Ano naman kaya ang isinandya nila roon? Ayoko namang magtanong dahil alam ko namang ayaw nila akong magtanong.

Ilang sandali pa ay nag announce na ang host na magsisimula na. Nagkaroon muna ng prayer at pagkanta ng national anthem bago nag opening remarks ang headmaster ng university. After no'n ay nagsimula nang magtawag ng course and block ang host para magperform.

Nakatutok lang kami sa panonood dahil magagaling ang choreography ng mga nagperform at syempre hindi nawawala ang comment ng mga kaklase ko sa mga nagpe-perform.

"Luh! Ginaya step natin oh," komento ni Sean, kaklase namin. Marami pang nagperform bago tawagin ang block namin.

"Please welcome, Fisheries department, block A!" Sigaw ng host kasabay din ng sigawan ng iba pang mga estudyante. Tumungo na sa oval ang mga kaklase ko at nagsimula nang tumugtog ang music.

"Wohoo! Galing niyo!" Samo't saring papuri ang natatanggap ng block namin dahil hindi maikakaila na maganda nga ang choreography ng sayaw. Halos wala ring nagkakamali at sabay-sabay silang gumalaw.

Nakisigaw na rin ako habang itinataas ang banner ng block namin. "Go, Maica! Go block A! Wohoo!" Mas lalo tuloy silang ginanahan sa pagsasayaw dahil sa cheer namin.

Pagkatapos ng hiphop ay sumunod naman ang cheerdance at katulad kanina, napuno rin ng sigawan ang buong area. Magtatanghali na nang matapos lahat ang sayaw. Dumiretso agad kami sa cafeteria para kumain. Kasama ko rin pala si Maica ngayon. Todo reklamo ang bruha na ang init init daw sa oval. Tumatawa nalang ako dahil ang galing niyang magreklamo pero at the end tatanungin ako kung maganda ba ang kinalabasan ng performance nila. Galing 'di ba?

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon