Chapter 19

133 4 0
                                    

"Kinakabahan ako, Deans,"

Nasa loob na kami ng kotse ngayon at papunta na sa bahay. Habang papalapit ay hindi ako mapakali sa sobrang kaba. Nanlalamig din ang mga kamay ko at para akong natataranta.

The idea of going back to that house makes me sick kahit na kapatid ko naman ang ipinunta ko ro'n at hindi sila. Hinawakan naman ni Deans ang kamay ko kaya nabaling doon ang atensiyon ko.

"Ririe, relax okay? Ang isipin mo ngayon ay kung ano ang magiging reaksiyon ng kapatid mo, hindi kung ano 'yong mangyayari, okay? Breathe...I'm here," paalala niya.

Bumuntong hininga ako bago tumango at pinakalma ang sarili. Ibinalik ko naman ang atensiyon sa dinaraanan namin. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang pamilyar na daan patungo sa bahay. Medyo madilim na nang makarating kami sa pupuntahan. Katulad ng dati, hindi sa may tapat ng bahay ipinark ni Deans ang sasakyan.

Nagsimula na akong maglakad palapit sa may gate, nasa likuran ko naman si Deans. Mula rito sa labas, rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa loob ng bahay. Mukhang nagkakasiyahan sila do'n maliban sa isang batang natatanaw ko sa may pinto ng bahay. Nakapangalumbaba ito at tila may hinihintay.

"Pst! Pst, Jojo!" Tawag ko rito. Palingon lingon siya sa paligid at para siyang nabuhayan. "Jojo, dito!" Medyo nilakasan ko pa ang boses ko dahil hindi naman 'yon maririnig sa loob since nagkakantahan naman sila ro'n.

Nang mahanap ako ng mga mata ni Jojo ay tuwang tuwa itong tumakbo palabas. Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap.

"A-Akala ko hindi kana darating, a-ate," sabi niya sa 'kin habang nakayakap. Mas lalo ko tuloy hinigpitan ang yakap ko sa kaniya para maramdaman niyang nandito na ako. Pagkatapos ng ilang segundo ay kumalas kami pareho sa yakap.

"Pwede ba 'yon? Syempre darating ako. Palalagpasin ko ba ang birthday mo nang wala ako?" Ginulo ko naman ang buhok niya na palagi kong ginagawa sa kaniya. "Happy birthday, Jojo! Hetong regalo ko sa 'yo." Iniabot ko naman sa kaniya ang regalo ko.

Kita ko naman ang pagningning ng mga mata niya sa ibinigay ko. "Wow! Salamat, ate!" Yumakap ulit siya sa akin.

"Uhm, kasama ko nga pala si...Ate Deanna mo." Lumingon ako kay Deans at sinensyasan siyang lumapit na agad naman niyang ginawa. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya sa 'kin sumunod.

"Happy birthday, Jojo. Here's my gift for you." Iniabot naman ni Deans ang regalo niya at malugod naman itong tinanggap ni Jojo.

"Salamat, Ate Deanna," aniya. Napansin ko ang mga mata niyang pabalik balik sa 'ming dalawa. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga tingin niyang 'yon. Napabaling ako kay Deans at nagkatinginan kami. "Hmm, may tanong po ako sa inyo," dagdag pa ni Jojo.

"A-Ano 'yon?" Kinakabahang tanong ko.

I have this feeling na alam ko na kung saan patutungo ang pag uusap naming 'to. Hindi ko alam kung ready na ba akong sabihin kay Jojo ang tungkol sa 'min ni Deans dahil natatakot ako. Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako, baka kasi...baka kasi ipagtabuyan niya rin ako. Ayoko na ulit maramdaman 'yon.

"Bakit po palagi kayong magkasama?" Tanong ni Jojo. Bahagya akong natigilan at napatingin nalang kay Deans na ngayon, alam kong wala ring ideya kung ano ang isasagot. Ibinalik ko ang atensiyon kay Jojo na nag aantay ng sagot ko. Napalunok muna ako bago sumagot.

"Uh kasi m-magkaibigan kami, Jojo," pagsisinungaling ko.

I'm sorry, Deans. Hindi pa ako ready sabihin sa kaniya ang totoo dahil alam kong maguguluhan pa siya sa bagay na 'to. I needed to lie, ngayon lang 'to.

"Eh bakit po kahit gabi magkasama kayo? Kami ng mga kaibigan ko, hindi naman kami magkakasama kapag gabi," Jojo said.

Muli akong napabaling kay Deans na parang humihingi ng tulong. I don't know what to say anymore! Lumapit naman siya kay Jojo at hindi ko ini-expect ang mga sasabihin niya.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon