Chapter 46

82 7 0
                                    

"Wooooo!" Rinig kong sigawan ng mga tao kahit sa screen.

Punong puno ang area ng mga manonood at halos hindi na sila magkamayaw tuwing nakaka-score ang sinusuportahan nilang team. Halos hindi ko rin mapigilang mapatili tuwing nakaka-score ang team nina Deans at hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti tuwing siya ang ipinapakita ng camera.

Actually, Deans offered me a VIP ticket para live na makapanood sa game nila but, ako itong hindi pumayag kasi it's one of my weaknesses na bumiyahe mag isa at manood mag isa lalo na't hindi ako familiar sa lugar na 'yon.

She also offered na siya raw ang bahala at sasamahan niya lang ako palagi pero hindi talaga ako pumayag dahil alam kong hindi sa lahat ng oras kailangan kasama ko siya. She has priorities of being an athlete kaya dapat lang na mas pagtuunan niya 'yon ng pansin kaysa sa 'kin.

"Another playsafe scored by Deanna Wong from Team Philippines," anunsiyo ng host kaya naman hindi na naman magkamayaw ang mga tao dahil doon. Napangiti na naman ako nang ipakita na naman ang maganda niyang mukha sa screen.

I know she's so happy sa ginawa niya and I can see it in her eyes. Tumingin naman si Deans sa screen at kumindat dahilan para magkagulo ang mga manonood. I knew that wink was for me kasi alam niyang nanonood ako ngayon.

Nagpatuloy ang game at halos tuloy tuloy na nakaka-score ang team nila kaya naman sobrang pressure na ang nararamdaman ng kalaban.

Sa tuwing nakaka-score si Deans at pinapakita siya sa screen ay palagi siyang nagwi-wink o kaya naman ay nagpi-finger heart siya kaya naman ang lawak na ng ngiti ko ngayon. She really knows how to make me smile.

Sa kalagitnaan ng game ay naka-received ako ng text galing kay Rein at natawa nalang ako nang mabasa ko ito. Nanonood din kasi sila ngayon ng laro.

From: Rein
May pagka malandi naman pala 'tong bebe mo. Obvious naman na para sa 'yo yung mga kindat at pa-finger heart niya. Sus!

To: Rein
Manood ka nalang tsaka pumikit ka nalang kung naiinggit ka.

From: Rein
Pakyu! Sana pala hindi nalang ako nagtext.

To: Rein
Haha utot.

Hindi na ito nagreply kaya naman ibinalik ko na ang atensiyon sa pinapanood. Sa unang set, panalo ang team nila at dahil nga pagod na ang mga players ay hindi maiwasang hindi mag substitute. Since setter si Deans ay hindi naman siya pwedeng mawala sa grupo.

Ipinagpahinga si Kat ng coach at ipinalit sa kaniya si Kerlynne kaya naman agad na napawi ang ngiti ko. Mas lalo namang naghiyawan ang crowd sa pagpasok ng nangingiting babae at kasunod non ay ang pagtutok din ng camera kay Deans na ngayon ay nakasimangot na at nililibang nalang ang sarili sa pakikipag usap kay Bea. Alam ko na naman ang iniisip nito kaya ganiyan na lamang ang naging reaksiyon niya.

Oo nga pala, hindi pa rin ako makaget over sa sinabi ni Deans na Kerlynne tried to kill herself. Nakita raw kasi ito ni Bea na umiiyak at naglalaslas ng pulso niya pero mabuti nalang ay naagapan agad dahil kung hindi ay tuluyan na nitong nasugatan ang pulso niya. Nagamot din agad ang mga galos nito kaya makakapaglaro ito ngayon.

Tumunog na naman ang cellphone ko at nakasimangot ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext doon. It was Rein.

From: Rein
Ayan na ang kontrabida. Magpapabida na naman 'yan.

To: Rein
Hayaan mo na. Alam ko namang focus lang si Deans sa games.

Hindi na ito nagreply kaya naman ay ibinalik ko na ang atensiyon sa pinapanood. Nagsimula na ang set two at unang serve palang ay mukhang dehado na ang team nila Deans dahil medyo sumabit pa ang bola sa net.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon