"I got way too much time to be this hurt. Somebody help, it's getting worse. What do you do with a broken heart? Once the light fades, everything is dark. Way too much whiskey in my blood. I feel my body giving up. Can I hold on for another night? What do I do with all this time? Yeah~~~."
Nandito kami ngayon sa music studio at last week pa kami nagsisimulang magpractice. Mabuti naman ay unti-unti ko nang nakakasundo ang lahat ng miyembro ng Exisplay kahit papa'no.
Itinuloy ko pa ang kanta hanggang sa matapos ito. Thumbs up naman ang ibinungad sa akin ni Niccolai pagkatapos ng performance namin. Sinabayan na kasi ng tugtog.
"Yeah! That's our vocalist!" Aniya.
Nag appear pa ang loko bago inayos ang gitara. Gano'n din ang ginawa ng iba pa habang ako naman ay dumiretso sa sofa kung nasaan si Deans. Yes, kasama ko siya and she always volunteered na manonood ng practice namin. Hindi naman ako makatanggi kasi gusto ko rin naman siya makasama kahit papa'no. I am also enjoying her company.
"Ang galing mo idol wohoo!" Aniya nang tuluyan na akong makalapit. Natawa nalang ako sa kaniya. Kinuha ko naman ang tumbler ko at uminom doon.
"Sus bola," ani ko nang matapos uminom. Tumabi naman ako sa kaniya at tumingin sa unahan. Nakita ko na nakatitig sa amin si Niccolai at nang mapansin niya yatang nakatingin din ako sa kaniya ay agad niyang ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
"Hindi kaya oy. Anyway, tapos na ba practice niyo? Tara sa favorite place tayo!" Pag aaya niya.
"Oo tapos na. Wait lang, magpapaalam muna ako,"
Nang magpaalam sa Exisplay ay puro papuri pa rin si Niccolai sa naging performance ko. Para na raw kasi akong professional kung kumanta. Sinabihan din nila ako na baka next next week ay magpeperform na kami sa isang resto bar. Hindi pa sure iyon kasi hinihintay pa ang desisyon ng may ari ng lugar.
Kinabahan tuloy ako bigla kahit malayo pa naman dahil kung papayag ang may ari ay iyon ang magiging unang performance ko as a member of Exisplay.
Tulad nga ng sinabi ni Deans ay tumungo nga kami sa favorite place at dahil lubog na ang araw ay mga bituin nalang sa kalangitan ang sumalubong sa amin. Okay lang dahil sabi niya nga, maganda naman itong tingnan.
"Kung sakaling pumayag 'yon may ari, manood ka ng performance namin ah," saad ko habang kumakain ng street foods. Deans immediately nodded.
"Sure! Ako pa ba, hindi ko kaya palalagpasin mga performance mo," Deans said. Napangiti nalang ako sa naging sagot niya dahil nakaka-touched 'yon. She always support me ha sa mga gusto kong gawin and she's always available everytime I need her.
Kinabukasan ay nag announced ang mga professors ng schedule nila sa nalalapit na final examination. Noong nakaraang midterm ay okay naman ang kinalabasan ng test scores at halos pasado naman ang buong klase.
Noong umalis na ang professor ay sinabihan agad ako ni Maica na sabay ulit kami magreview. Agad naman akong pumayag dahil hindi naman ako nakakapagreview nang maayos sa bahay.
Hindi ko alam kung sinasadya ba nila mama na mag ingay tuwing nag aaral ako dahil napapansin kong palagi nalang ganoon ang eksena kaya palagi akong umaalis sa bahay kapag gano'n.
"Land-based such as using fish tanks, water-based or using fish cages or pens and integrated farming system particularly uhm agra...agra hayst ano nga 'yon?!"
Inis naman na binuksan ni Maica ang notebook niya at ini-scan iyon. Final examination na kasi namin mamaya at minuto nalang ang natitira bago magsimula iyon. Bumaling naman ako sa kaniya at tinapik tapik ang likuran niya.
"'Te easy lang, 'wag kang mapressure okay? Mas lalo mo tuloy 'yan makakalimutan kapag napi-pressure ka." Bumaling siya sa akin at nginitian ko naman siya. "Inhale, exhale lang,"
![](https://img.wattpad.com/cover/284542922-288-k262047.jpg)
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...