Nakaupo si Deans sa couch at nakayuko habang nag iisip. Nakahawak din siya sa ulo niya at sa nakikita ko, sobra na siyang namomroblema sa mga nangyayari. Paulit ulit niya lang din kinukuha ang cellphone ko at paulit ulit na binabasa ang mga nandoon habang ako ay tahimik lang na pinapanood ang bawat kilos niya. Ibinalik sa akin ni Deans ang cellphone ko at biglang nagsalita.
"I deleted all those messages kasi ayokong paulit ulit mong basahin. Ririe, please...as much as possible, 'wag kang mag isip ng kung anu ano, okay? Akong bahala rito, gagawa ako ng paraan para tigilan ka nila," she said.
"P-Paano? Anong gagawin mo, Deans?" Isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya at muling napahawak sa sentido niya.
"Hindi ko pa alam, Ririe. Basta gagawa ako ng paraan. Basta 'wag kang mag isip ng kung anu ano. Just trust me, okay?" Puno pa rin ng pag aalala ang boses niya.
Marahan naman akong napatango sa kaniya. Saglit kaming binalot ng katahimikan at tanging mga buntong hininga lamang ng bawat isa ang naririnig sa paligid.
"It's...it's all my fault, Deans. Hindi dapat 'to mangyayari at hindi siguro 'to mangyayari kung---"
"Shh! Stop, Ririe. Walang may gustong mangyari nito, okay? Hindi natin gusto 'to pareho, kaya please? Ayokong marinig na sinisisi mo ang sarili mo sa mga nangyayari ngayon. Ang mga tao lang ang may problema, hindi tayo at lalong hindi ikaw,"
Even though she's so stressed, pinipilit niya pa rin pakalmahin ang sarili niya para hindi niya ako masigawan. Sobrang maingat siya sa pagsasalita at pansin na pansin ko 'yon lalo na ngayon sa sitwasyon naming dalawa.
Kahit hindi sabihin ni Deans, alam kong may parte sa kaniya na iniisip niya na kung sa una palang naging matapang ako hindi sana 'to mangyayari. Kung hindi ako nagpadala sa takot, hindi sana kami namomroblema ngayon.
Kaya hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko dahil totoo naman na ako talaga ang may kasalanan nito. Ako itong may problema sa una palang, pero ngayon, halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Isa lang ako, madami sila kaya hindi ko talaga kakayanin na ipagtanggol ang sarili ko. Si Deans, siya ang handang sumugod, siya ang handang sumugal sa lahat ng bagay pero ako itong nananatiling nakatago lang sa likod niya.
Hanggang dito nalang ba talaga ako na hindi kayang tumayo sa sariling paa? Ang duwag duwag ko, ang dali kong matakot at ito ang problema sa 'kin.
"Don't think too much, Ririe. Hindi 'yan maganda para sa 'yo," paalala niya ulit nang mapansing wala na naman akong imik sa tabi.
"W-Wala naman akong ibang iniisip," saad ko naman.
Maybe, she doesn't want me to blame myself kaya paulit ulit niya sa 'kin sinasabi 'yon na huwag mag isip ng kung anu ano. Pero, I can't control myself kasi kahit pagbali baliktarin pa natin ang sitwasyon, sa akin pa rin mag uugat ang lahat.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko sensyales na may tumatawag. Nang tingnan ko ang screen ay sinimulan na naman akong kabahan dahil unknown number na naman ito.
Nagkatinginan kami ni Deans at sa pagkakataong nagtama ang mga mata namin, parang nabasa niya agad kung ano ang iniisip ko.
Agad naman siyang lumapit sa akin para kunin ang cellphone at sagutin ang tawag. Nakikita ko sa mukha niya na handa siyang makipag away kung sakaling makarinig siya ng mga hindi magandang salita.
"A-Anong gagawin mo?" Taranta kong tanong sa kaniya ngunit hindi niya na ako magawang sagutin dahil nakatutok na sa tenga niya ang cellphone at naghihintay na magsalita ang kabilang linya.
["Hello? Hello po?"]
"Who's this?" Natahimik ako sa gilid at kinakabahan habang hinihintay ang sagot ng kabilang linya.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanficI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...