Nagkalat sa paligid ang mga estudyanteng naglalakad, nagtatawanan, nagkukulitan at may kung anu anong ginagawa.
Sina Athena naman ay hindi ko pa nakikita, siguro nasa cafeteria pa sila hanggang ngayon. Wala na rin naman kaming klase kaya kahit hindi na siguro ako bumalik sa room ay maiintindihan nila.
Napatingin ako sa katabi ko na humupa na sa pag iyak. Ngunit kahit na gano'n, halatang halata naman sa mga mata niya. Hindi naman siya makatingin sa akin dahil na rin siguro sa hiya na nakita ko siyang ganito ka-down.
Well, wala naman sa 'kin 'yon. I've been there, nakaramdam na rin naman ako ng lowest point sa buhay ko.
Walang nagsasalita sa 'min at ayoko rin namang mauna dahil baka hindi siya maging komportable lalo pa't hindi naman maayos ang pagsasama namin pero kahit na gano'n ang nangyari sa 'min, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang awa sa kaniya.
Alam ko ang pakiramdam na sobrang baba mo na, na halos ibuhos mo na ang lahat ng luha mo para mawala lang lahat ng sakit na nararamdaman. Ito ngayon siya, ito ngayon si Maica.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga kaya nabaling ulit ang atensiyon ko sa kaniya. Agad na kumunot ang mga kilay ko nang mapansin ang mga humupang pasa sa mga braso niya. Marahas kong kinuha ang braso niya at tiningnan ito ngunit mabilis niya naman itong binawi at inilayo sa paningin ko.
Ang laki ng pagtataka ko, bakit mayroon siyang mga pasa? Hindi kaya, hindi kaya sinasaktan siya ni Renzie?!
"Maica, anong nangyari sa 'yo? Bakit may mga pasa ka?" Hindi ko maiwasang hindi tumaas ang boses ko dulot ng pag aalala sa kaniya. "Maica, magsabi ka ng totoo," dagdag ko pa ngunit ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kaniya.
Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at pilit na iniharap sa akin. Ikinalma ko rin ang sarili ko para maging malumanay ang boses ko para huwag siyang matakot. Mas lalo akong naawa nang salubungin niya ako ng mga matang takot na takot na animo'y ako ang taong nananakit sa kaniya.
"'Wag kang matakot sa 'kin, hindi kita sasaktan. Ang gusto ko lang ay magsabi ka ng totoo. Sinasaktan ka ba ni Renzie?" Malumanay kong tanong sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin at sa pagkakataong 'yon ay alam ko na ang kasagutan sa tanong ko. Binitawan ko siya at tumingin sa unahan kung saan minu minuto ay may mga dumadaan estudyante sa may hindi kalayuan.
"Kailan pa 'to nagsimula?" Tanong ko ulit. Ilang segundo rin bago siya nagsalita.
"M-Matagal na," sagot niya.
Napatingin ako sa kaniya. Kung matagal na eh hanggang ngayon tinitiis niya lang ang pananakit sa kaniya ni Renzie? Bakit hindi siya nagsusumbong?
"At tinitiis mo 'yon, Maica? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa na animo'y bumitaw ako ng joke.
"Ba't ko sasabihin sa 'yo? Ang kapal naman ng mukha ko kapag ginawa ko 'yon, Ririelle," aniya. "'Di ba ako nga 'tong tumapos ng pagkakaibigan natin tapos ngayon, magpapakampi ako sa 'yo?"
She has a point pero hindi niya ba naisip na kahit gano'n ang nangyari sa 'ming dalawa, eh hindi ko naman binabalewala ang posibilidad na maging kaibigan ulit siya? Kaya ko pa rin siyang tanggapin at handa pa rin akong simulan ulit ang pagkakaibigan namin.
"Ipinagpalit kita sa mga magagaling kong bagong kaibigan na ngayon ay iniwan na ako sa ere." Tumingin ulit siya sa akin at bumuhos ulit ang mga luha niya sa sakit na nararamdaman.
"Ikaw 'yong nag iisa kong totoong kaibigan pero ng dahil sa pride ko, ng dahil sa ka-immaturan ko, nawala ka, nawala 'yong friendship na ang tagal nating binuo, Ririelle,"
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...