Chapter 23

210 6 1
                                    

We spent almost two weeks sa Cebu at sa loob ng two weeks na 'yon ay napakaraming memories ang naipon ko together with her family or should I say our family. Sa loob ng panahon na 'yon, naramdaman ko ang presensiya ng isang pamilya.

"Mag iingat kayo ha? Call me kapag nakabalik na kayo," bilin ni Tita Judin bago kami sumakay ng kotse.

"Yes, mom. Halos one and a half hour lang naman ang biyahe kaya mabilis lang 'yon. I'll call you nalang," Deans said to her mom. Tumungo rin siya sa daddy niya para pormal na magpaalam habang ako naman ay nagpaalam na rin kina tita.

"Thank you po, tita. Thank you for welcoming me as part of your family. Ramdam na ramdam ko po ang mainit na pagtanggap niyo sa 'kin dito kaya sobrang thankful po ako sa inyong lahat," I said. Binigyan niya naman ako ng isang makahulugang ngiti.

"Of course, iha. Parte kana ng pamilyang ito. Salamat din dahil sa 'yo, masaya ang anak ko," Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. "Salamat din dahil palagi kang nandiyan para suportahan si Sachi sa bawat laro niya," dagdag pa niya. I smiled at her.

"Opo, tita. Hindi po 'yon magbabago." Binigyan ko rin sila ng yakap bago pormal din na nagpaalam sa daddy ni Deans.

"Sana...makauwi agad kayo sa susunod," anito.

"Y-Yes, sir. Sisikapin po namin,"

"Call me tito, iha,"

"Opo, t-tito. Salamat po nang marami," saad ko. Si Ate Nicole naman ang naghatid sa 'min sa airport.

"I hope bumisita ulit kayo rito nang magkasama ha. I had a great weeks with the two of you," Ate Nicole said.

Nagpasalamat din agad kami sa kaniya. Umalis din kaagad siya dahil meron pa raw siyang importanteng pupuntahan.

Nang makarating kami sa Manila ay diretso agad kami sa condo para magpahinga. Kahit pa mabilis lang naman ang biyahe ay nakakapagod pa rin. Tinext ko rin naman sina Tita Judin na maayos kaming nakarating at nagpasalamat ulit ako sa kaniya.

Noong lunch ay nag order lang kami ng pagkain at no'ng hapon naman ay nagkita kita sina Deans at mga ka-team niya sa isang restaurant. Ibibigay na kasi ni Deans ang mga pasalubong sa kanila habang ako naman ay nagcommute papunta sa bahay. Ibibigay ko rin kasi ang pasalubong ko para kay Jojo.

Nag insist pa si Deans na ihahatid niya ako pero I refuse kasi alam kong mas mapapalayo pa siya sa pupuntahan niya. Besides kaya ko naman magcommute mag isa. Mas okay nga 'yon kasi walang makakakita sa 'ming magkasama.

Nang makarating ako ro'n ay nagtago muna ako sa likod ng puno dahil nakikita ko sa may tindahan sa may tabi ng bahay na ang daming mga taong nakatambay.

Namukhaan ko pa ang tatlo sa mga 'yon at mga kumare 'yon ni mama. Hindi nila ako pwedeng makita dahil alam kong makakarating kay mama na bumibisita ako sa kapatid ko kapag nagkataon.

Pasilip silip ako sa gawi nila pero mukhang wala silang balak umalis do'n kahit ang init-init. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko natanaw si Jojo na papasok sana sa gate. Sumilip ako nang kaunti at mahina siyang tinawag.

"Pst! Pst, Jojo!"

Nakita ko naman na hinahanap niya kung saan nanggagaling 'yong tunog kaya tinawag ko ulit siya. I make sure na hindi 'yon mapapansin ng mga tao sa tindahan.

Nang makita ako ni Jojo ay agad lumiwanag ang mga mata niya. Sinenyasan ko naman siya na huwag maingay at lumapit sa akin na agad din naman niyang sinunod.

"Ate!" Masaya ngunit mahina niyang bati. Agad niya akong niyakap kaya gano'n din ang ginawa ko. "Ate, miss na miss na kita! Ba't ngayon ka lang bumisita rito?" Tanong niya. Ginulo ko ang buhok niya na palagi kong ginagawa.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon