"Hey, you're actually easy to teach. You just need a lot of practice to improve your skills," ani ni Deans habang nagda-drive pabalik sa condominium.
Hindi ako kumibo dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Paano ba naman kasi eh akala ko madali lang dahil natutunan ko naman na ang mga ginagawa sa paglalaro ng volleyball pero iba pa rin pala kapag may net na!
Ayun, puro service error at mistake ang nangyari kanina noong naglaro kami. Nakakahiya talaga, parang ayoko na tuloy ulitin.
"Hey, please talk to me. Ang boring kapag hindi ka nagsasalita," dagdag pa niya.
"Eh kasi naman, nakakahiya ang pinaggagagawa ko kanina. Akala ko madali na pero ang hirap pala!" Bulalas ko naman. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa dahil sa mga rants ko sa kaniya.
"Hey, easy. Ganiyan talaga 'yan sa una pero kapag nasanay kana, I swear, madali lang." Inikot niya ang sasakyan dahil naka u-turn ang daan. "Ganiyan din naman kami no'ng una. Halos wala or kakaunti palang ang alam namin sa volleyball pero dahil sa practice at mga reminders ng coach namin, natuto rin kami." Inihinto niya ang sasakyan dahil sa traffic. "Swerte mo nga ako ang coach mo eh. Mabait na nga, mahal ka pa," aniya. Napansin ko rin ang pag wink niya. Halos napapairap ako sa mga sinasabi niya. Ang dami talaga niyang baon.
"Ewan ko sa 'yo, may naisingit ka na naman." She just laughed.
Nang makauwi sa condo ay hindi na kami kumain dahil kumain na kami ro'n bago kami umalis kaya naghanda na kami para sa pagtulog. Naghalf bath muna ako at gano'n si Deans bago dapuan ng antok dahil sa pagod.
Kinabukasan ay nauna akong magising kay Deans pero dahil tinatamad pa akong bumangon ay naisipan ko munang mag scroll sa IG. Nakita ko ang mga stories ng mga kateam niya na halos lahat sila ay nagpapahinga kahapon dahil rest day nga nila. Bahagya naman akong natawa nang makita ang caption ng story ni Deans kahapon.
@deannawongst
Rest day ❌
Ririe day ✔Selfie niya iyon habang ang background ay stolen ko. Nagreact lang ako ro'n bago naisipang bumangon para magluto na ng almusal. Binalingan ko si Deans at hinalikan ang noo nito.
"Good morning," bati ko rito kahit alam ko namang hindi niya 'yon maririnig dahil tulog na tulog pa siya.
"Wala ka na bang naiwan? 'Yong tumbler mo? Towel? Shoes? Extra shirt? Ready na?" Sunod-sunod kong tanong habang naglalagay ng mga gamit ko sa bag.
Natataranta na ako dahil kinakabahan na ako ngayon palang. First time ko kasing manood ng totoong competion na game! Nang maisara ko ang bag ko ay bumaling ako kay Deans na natatawang nakatingin sa akin.
"What's funny?" I asked, curiously.
"You," she quickly answered.
"What about me?" Kinuha ko naman ang sapatos ko at sinimulang isuot ito. She just chuckled.
"Parang ikaw pa 'tong mas kinakabahan kaysa sa 'kin." Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.
"Of course, nakakakaba kaya! Competition kaya 'to kaya nakakapressure! Paano kung...pa'no kung mas magaling ang kalaban. Pa'no kung 'di kayo manalo? Pa'no kung---"
"Hey, Ririe. Look at me." Tumingin ako sa kaniya gaya ng sabi niya. Hinahabol ko rin ang hininga ko dahil sa pagkataranta. "Breathe...relax, okay?" Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang puso ko. "'Wag kang kabahan, okay? This is just a competion. If we win, then that's okay, if we lose, that's okay also. Besides mas mahalaga ang enjoyment dito, 'di ba?" Marahan naman akong tumango sa kaniya.
Tama siya, mas mahalaga ang enjoyment na mararamdaman mo rito kaysa sa premyo.
Parang bigla tuloy akong nahiya sa naging reaksiyon ko. Masiyado akong paranoid na hindi sila makaabot sa championship. Binigyan niya muna ako ng isang mahigpit na yakap at halik sa ulo bago kami umalis ng unit.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...