Final examination is today and our testpapers are coming. Sinundan ko ng tingin si Professor Sanchez mula sa corridor papasok ng room namin na dala-dala ang sandamakmak na testpapers. Nang tuluyan na siyang makapasok sa silid ay natigil ang bulungan ng mga kaklase ko at nadako ang atensiyon sa kaniya.
"Put your bags in front and get only your ballpens. Your testpaper as well as your answer sheet are here kaya wala dapat akong makikitang kahit anong papel diyan, maliwanag?"
"Yes, sir!" We answered in chorus.
Kahit pa may mga nagrereklamo, wala rin naman silang magagawa. Ika nga, don't mess with a prof dahil hawak nila ang kinabukasan mo.
Isa-isa nang dinistribute ni Prof. Sanchez ang mga testpapers at nang matapos ay sinimulan na ang oras. I admit, may mga tanong talaga na nalilito ako, mayroon namang hindi ko gaanong napokusan sa pagrereview pero madami rin ang mga tanong na nareview ko.
Hindi naman ako kinakabahan dahil kahit papa'no eh pinaghandaan ko naman 'to at may tiwala rin naman ako sa sarili ko. Duh, ilang exams na ang na-take ko simula pa no'ng first year, ngayon pa ba ako matatakot?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsimulang sumagot. Tahimik ang buong silid at bawat isa sa amin ay ramdam ang tensiyon sa magiging resulta ng exam.
Well, we can't fail this exam after all. Kung gusto mong maka-proceed sa 4th year, dapat makapasa ka at malaking factor ang midterm and final exams doon.
Seryoso lang ako hanggang sa matapos ang oras. Narinig ko agad ang malulutong na reklamo ni Rein sa mga questions nang tuluyang makaalis ang prof. Mabuti nga ay hindi siya narinig nito kung hindi ay ewan ko nalang. Umingay na rin ang paligid at halos nakahinga na ang karamihan sa 'min.
"Putangina, feeling ko 'di ako makakapag 4th year," aniya. Tinawanan ko nalang siya at kinuha ang cellphone para i-update si Deans. "Buti pa ang isa diyan, matic pass plus may bebe pa. Hays ang daya talaga ng mundo," parinig niya sa 'kin pero binelatan ko lang siya.
Lumapit naman sa kaniya si Athena at nag usap na sila habang ako naman ay patuloy lang sa pagtitipa ng message kay Deans. Nang mai-send ko ang message ay lumapit sa akin ang dalawa.
"Tama na 'yan, tara na kain tayo! Nakita ko sa iba, bagong luto ang turon," ani Rein.
Tumango ako sa kanila but before I stand, napansin ko ang mga tingin ni Maica sa 'min or most probably, sa 'kin. Agad din siyang umiwas at tumayo na rin nang mapansin ako.
Nang mga sumunod na araw ay isa-isa na kaming ini-schedule for the OJT reports at kahit grupo grupo naman kaming in-assigned sa workplace, individual naman ang OJT reports at presentation nito.
I was assigned tomorrow kaya gabi palang eh, nagpractice ulit ako para maging maayos ang performance ko. Of course, Deans is here, supporting and acting like a panel.
After my practice, I opened the file and for the nth time, I scanned my accomplishment report . Gusto ko kasing walang mali sa ipapasa ko kahit pa hindi naman masiyadong mahaba ang preparation ko para rito. I wanted to give all my best sa kahit ano pa 'yan because that's my mindset. Always do your best.
Kahit para sa 'kin okay na, I still have doubt about my works kaya I asked Deans to scan and check it but she refused, making me feel a bit disappointed. Akala ko negative ang reason niya pero nang magsalita siya, agad nabawi ang emosyon ko.
"No need for that, Ririe. Everything you do is perfect," she commented. Sinabi niya 'yon na para bang wala ako sa tabi niya at hindi ako maaapektuhan masiyado. Eto na naman tayo sa mga pagpapakilig niya.
"Sus, baka sinasabi mo lang 'yan kasi tinatamad ka magbasa?" Paninigurado ko pero hindi ko napipigilan ang sarili ko sa pasimpleng pagngiti.
"Huh? Never kaya. Kailan ba ako tinamad pagdating sa 'yo?" She leaned closer to me and held my chin, making me stare at her. "You wanted to know the truth?" She whispered.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...