Epilogue

135 9 0
                                    

"How is she?"

"Are you really going to ask me that?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Maybe, she's also a bit irritated to what I did to her friend which is a valid emotion. Hindi ko naman siya masisisi na ganyan ang maramdaman niya dahil after all, I hurt her friend which somehow made her hurt too.

"Yeah, I...I just want to know," saad ko.

Gusto ko lang naman malaman kung how's her life after I left because I know she's always been there for her. Ibinaling ko sa kaniya ang buong atensyon pero umiwas naman siya ng tingin do'n.

"Okay fine, I'll answer that. Well, magsisinungaling ako kung sasabihin kong she's totally okay because she's not," she answered.

Napayuko nalang ako sa narinig at mahinang minura ang sarili. Right, she's not okay. What did I expect? After what I did to her, umaasa akong okay lang siya. Am I out of my mind? Sobra ko siyang nasaktan at ngayon, ini-expect ko na she's okay?

"Pero...she's getting better everyday. Hindi katulad no'ng...dati," dagdag pa niya.

Gusto ko pa sanang magtanong sa kaniya tungkol kay Deans pero pakiramdam ko wala akong karapatang gawin 'yon dahil ako itong nanakit sa kaniya. I think knowing that Deans is somehow okay now is enough for me. Okay na 'yon, ayos na 'yon atleast she's okay eventhough she's not totally fine.

Deans must be so miserable when I left her. Wala na kasi akong naging balita sa kaniya simula noong gabing 'yon. Umalis akong umiiyak at hinang hina at hindi ko masyadong matandaan kung paano ako nakasakay sa taxi.

Iyak lang ako nang iyak at kahit panay ang tanong sa akin ng driver ay hindi ko siya magawang sagutin kaya ang ginawa niya ay hinatid niya nalang ako sa terminal. Hindi ko nga matandaan kung nakapagbayad ba ako sa kaniya o hindi.

"Ah, that's...that's good," iyan nalang ang tanging nasabi ko.

After that incident, I blocked her on my social media accounts. Nagpalit din ako ng number para hindi niya ako ma-contact. Hindi alam ng mga nakakakilala sa akin kung saan ako nagpunta even my friends, sina Athena and all. Walang nakakaalam kung nasaan ako at tanging ang sarili ko lamang. Wala akong pinagsabihan kahit sino, even my own father. Parang nawala nalang ako bigla na parang bula sa buhay nilang lahat.

Pumunta ako sa malayong lugar na hindi ko alam. Basta nalang kasi ako sumakay sa bus kahit hindi ko alam kung saan 'yon patungo. Buong biyahe akong natulog at nagising nalang ako na nando'n na ako. Doon, doon nag sink in sa 'kin ang ginawa ko. Takot na takot ako dahil hindi ko alam ang lugar na 'yon, wala akong kakilala at hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Pero, napag isip isip ko na rin noong mga oras na 'yon na okay na siguro 'yon na napadpad ako sa lugar na hindi ko alam para makapag simula ulit ako na walang inaalala. Hindi ko rin alam kung may makakakilala sa 'kin do'n kaya para sigurado ay binago ko ang itsura ko.

Pinagupitan ko ang buhok ko bilang pagsisimula ng pagbabagong buhay ko. Bukod doon, naniniwala kasi akong hair holds memories kaya para kahit papa'no hindi ko na maalala ang mga masasamang nangyari sa 'min ni Deans, I decided to cut my hair. Pinakulayan ko na rin para mas maiba ang itsura ko and I like it. Pakiramdam ko naging iba akong tao dahil sa bago kong itsura ngayon.

Hindi lang ang itsura ko ang nagbago, pati na rin ang buhay ko. I worked hard to earn for a living there and when I finally have enough money, I decided to go back her in Manila para magpakita sa mga taong naghahanap sa 'kin, kay papa, kay Jojo, sa mga kabanda ko at sa mga naging kaibigan ko...that's why I'm with Bea right now, pero hindi pa rin buo ang desisyon kong magpakita kay Deans. Hindi ko alam kung bakit.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon