Chapter 39

166 8 3
                                    

I feel so happy because for once, I feel the freedom we both wanted. Para bang walang mali sa 'min hindi dahil walang nakakakita, kung 'di ay tanggap ito ng mga tao. How I wish na ganito nalang palagi na sana mangibabaw ang acceptance natin sa mga bagay bagay.

Kahit pa isang taon na kaming magkarelasiyon ni Deans ay nahihiya pa rin ako kapag may mga ganito siyang surprises at wala man lang akong maibigay sa kaniya. She puts so much effort tapos ako, wala man lang maibigay sa kaniya.

"Your love is enough for me, Ririe kaya 'wag ka nang mag isip ng kung anu ano, okay? Ang mga bagay kaya kong mabili pero 'yong pagmamahal mo ay hindi ko basta basta 'yan mahahanap," aniya.

Ang mga salitang 'yon ang palagi niyang sinasabi sa akin every time na mag o-open up ako ng ganitong mga bagay. I understand that her love language is giving gifts and surprises but mine is just spending time with her and just being with her.

"Thank you, Deans. Pero promise, balang araw ako naman ang magbibigay sa 'yo kasi dapat give and take tayo pero sa sitwasyon natin, ikaw palagi. Wala man lang ako, alam mo 'yon? Kaya minsan nahihiya na ako sa 'yo eh," saad ko.

I noticed how she's listening to me intently na para bang walang salita siyang hindi pinapalagpas. This is what I like about Deans the most, 'yong makikinig at makikinig talaga siya sa 'yo.

Deans held my face and gave me an assuring smile kaya ngumiti na rin ako sa kaniya.

"Ririe, it's okay, hindi naman sa akin importante ang mga materyal na bagay. All I want and need is your love and care at walang kahit anong materyal na bagay ang makakapantay sa halaga no'n. Kaya don't think too much, hmm? Let's enjoy this night together, okay?"

I don't know what words to say. Kahit na alam ko naman na hindi naman sa kaniya importante ang mga materyal na bagay ay importante pa rin na may binibigay ako sa kaniya as return.

Sa isang relasyon, hindi naman pwedeng isa lang ang nag e-effort, dapat give and take lang 'yan para magwork kayo together. Kaya minsan, kahit alam kong afford naman ni Deans bumili ng mga bagay ay nagbibigay pa rin ako sa kaniya, ang kinaibahan lang ay hindi lamang gano'n kamahal katulad ng mga binibigay niya.

"Thank you, Deans. Napakaswerte ko sa 'yo. Bukod sa mapagmahal na, maintindihin pa," saad ko. "Hindi ko maisip ang magiging kalagayan ko kung wala ka kaya sobrang thankful talaga ako na nariyan ka," I said. She smiled and gently held my hand. Diretso rin siyang tumingin sa mga mata ko.

"Ako rin, Ririe. Sobrang thankful din ako na nariyan ka. Wala na akong hinahangad kung hindi ang maging masaya tayo parang ganito, ayos na ayos na ako ro'n. Kontento na ako rito. Kaya, walang bibitaw ha? We'll stick together until forever," Deans said which made my heart flutters.

Tumango ako sa kaniya at saka pinigilan ang luhang nagbabadya sanang tumulo pero hindi ko nagawa. Masiyado akong emosyonal ngayon dahil sa dami ng pinagdaanan namin, nandito pa rin kami nang magkasama.

Kasakukuyan na kaming kumakain na ngayon at nag uusap ng kung anu ano lang. We talked about how we first meet, at kung anu ano pang mga bagay na nagpapaalala sa 'min sa isa't isa at sa kung anong meron kami ngayon.

We remembered the things and the situations that made us stronger and made us who we are today. 'Yong mga bagay na naging malaking parte kung bakit hanggang ngayon, kami pa rin at mga bagay na mas lalong nagpapatatag sa 'min. Instead na kalimutan na namin 'yon ay inaalala pa namin ngayon dahil crucial 'yon sa kung ano na ang narating namin.

"Ang sarap ng foods nila, Deans. Ngayon lang ako nakatikim ng mga ganito," komento ko nang matapos sa pagkain.

"You deserve this, Ririe and you deserve more," saad niya na siyang dahilan ng paglawak ng ngiti ko.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon