"Alis na 'ko, Deans. Text nalang kita kapag nakarating na 'ko roon ha."
"Are you sure na hindi kana magpapahatid? I can make time for you. Kaya ko namang gawin 'to mamaya, unahin na muna kita," saad niya habang inaayos ang mga nagkalat na papel.
Gumagawa kasi siya ng thesis nila at ako naman ay pupuntang studio para sa rehearsal. May malaking tao kasing kumuha sa 'min to perform during the fiesta celebration and kailangan naming magrehears dahil it's a big celebration and I must say that the person really pays well. Hindi na ako nagtaka kasi politiko 'yon kaya maraming pera.
"No, it's okay. Tapusin mo na 'yan dahil mas importante 'yan. Don't worry about me, kaya ko naman ang sarili ko, hmm? I'll text you nalang," saad ko.
"Are you sure?" Tanong niya.
"Yes," maikling sagot ko.
"Are you really sure?" Paninigurado niya.
"Opo, sure na sure,"
Wala na siyang nagawa at pumayag na. Ayoko na siyang istorbohin dahil alam kong marami pa siyang gagawin lalo pa't kulang na rin sila sa time dahil sa mga nakaraang events. Hindi nila ito naasikaso kaya naman rush na rush sila ngayon.
Nagcommute lang ako papuntang studio at medyo natagalan lang dahil traffic. Well, as expected naman. Nang makarating ako sa studio ay nandoon na silang lahat at nag aayos na ng mga gamit. Ako nalang pala ang hinihintay kaya sinalubong agad ako ni Loelle at kinuha ang bag ko.
"Trending na naman ang KerDean ha," pambungad nito sa akin.
"Well, ano pa nga bang aasahan ko? Palagi namang gano'n, wala namang bago," saad ko naman.
"Anong KerDean? Yun ba yung loveteam ng shota mo at yung maarteng babaeng volleyball player?" Pang uusisa naman ni Niccolai.
"Oo," maikling sagot ko.
"Ah sabi na. Kaya pala sikat na sikat na rin 'yon kasi palaging nakadikit sa jowa mo," dagdag pa nito.
Nginitian ko nalang siya nang pilit at wala ng sinabi pa. Sinimulan ko na rin ayusin ang mga dala ko at tinulungan ko na rin sila sa pagtotono ng mga instrumento.
Nagsimula na rin kaming magpractice at may ibinigay namang listahan sa 'kin si Cluen ng mga kantang ipe-perform namin sa fiesta. Mostly mga lively songs 'yon at ang mga huling natitira ay mga pang senti songs. Hindi naman na ako nahirapan dahil halos lahat ng kanta na nasa listahan ay alam ko naman.
It's already 1 PM nang makauwi ako sa condo at katulad kanina, naabutan ko pa rin si Deans na abala sa paggawa ng mga kailangan niyang gawin. Kahit pagod ay hindi na ako nagdalawang isip pa na tulungan na siya. I know kahit hindi niya sabihin, alam kong kailangan niya talaga ng tulong ngayon.
Mga bandang 2:30 PM na ay dumating sina Bea at Maddie kaya mabilis na natapos ang ginagawa ni Deans. Full force kaming apat sa paggawa nito kaya naman agad nilang naipa-check sa adviser. Ngayon ay hinihintay nalang nila ang response nito.
"Tapos na kayo sa thesis, Ririelle?" Tanong ni Bea nang minsan akong mapatingin dito.
"Oo, tapos na. Napa-hardbound na rin pero hindi ko alam kung na-submit na. Wala namang pag update sa 'kin si Lance. Wait, text ko nga," kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si Lance tungkol sa paper namin. Wala pang isang minuto ay nag reply agad ito.
From: Lance
Oo tapos na raw i-hardbound. Sa Monday, pwede ko ng makuha at pwede na rin nating i-submit. Sorry, nakalimutan kong sabihin sa 'yo haha.To: Lance
Okay lang. Nakalimutan ko nga rin tanungin. Sige na."So, wala na kayong ginagawa ngayon na related to academics or other stuffs, you know..." saad ulit ni Bea.
"Wala na actually kaya hindi na rin ako pumapasok kasi tapos na rin naman sa gagawin eh. Maghihintay nalang ng schedules for the upcoming rehearsals para sa graduation," sagot ko. Napatango tango nalang si Bea at agad na nakuha ni Maddie ang atensiyon niya ng magsalita ito.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...