"Dito nalang ho, manong," ani ko sa taxi driver na sinakyan ko. Agad niya namang inihinto ang taxi saka ako nagbayad.
Kahit mainit, makikita sa loob at labas ng campus ang mga taong hindi magkamayaw sa paglalakad. May mga nagtitilian pa at ang iba naman ay may kaniya-kaniyang dalang lobo at banner. Malamang para 'yon sa pagsuporta nila sa school nila. I also see some familiar faces pero hindi ko nalang 'yon pinansin.
Nagdesisyon na akong pumasok sa campus. Pagkatapos kong maglista sa log book ay dumiretso na ako sa auditorium kung saan gaganapin ang laban. Hindi naman 'yon mahirap hanapin dahil halos lahat naman ng tao ay patungo ro'n. Isa pa, may nakapaskil naman na pangalan.
Habang papalapit ako ro'n, papalapit din nang papalapit ang ingay sa loob na binubuo ng masiglang kanta't sigawan ng mga tao. Ibinigay ko naman ang ticket ko sa babaeng nakabantay sa bungad ng entrance. Nginitian niya ako pagkatapos tatakan ang wrist ko saka ako tuluyang pumasok sa loob.
Hindi na ako nagulat sa dami ng tao sa loob. Halos mapuno na ito dahil kakaunti nalang na bakanteng upuan ang nakikita ko. Agad ko namang hinanap ang number na nasa ticket ko at umupo na ro'n.
Mabuti nalang ay iniwan 'to ni Deans kung hindi, siguro hindi ako makakapasok. Palihim akong napangiti nang mapagtantong dalawang row lang ang pagitan no'n mula sa bench ng mga players ng Ateneo.
Kay Deans agad dumapo ang paningin ko. Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Tahimik lang siyang nakaupo at bahagya ring nakayuko na parang walang gana sa buhay.
Nagdesisyon akong mamaya na ako magpapakita sa kaniya because I wanted to surprise her. Gusto kong masilayan ang reaksiyon niya sa hindi niya inaasahang pagdating ko.
Ang iba naman niyang ka-team ay abala sa pagpapractice kaya hindi rin nila napapansin ang presensiya ko. Napansin ko na lumapit si Bea kay Deans at tinapik tapik nito ang likuran niya na parang pinapagaan ang loob. May sinabi rin siya na kung ano pero hindi ko 'yon makuha dahil sa ingay.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nagdesisyon na lapitan na siya. Hindi ko kayang tiisin na gano'n ang itsura niya. Parang ang bigat sa loob ko. Tumingin muna ako sa parteng gilid kung saan naroon ang media. Nag seset up pa sila ng mga equipment kaya alam kong hindi pa sila on air. Lumapit ako sa gawi nina Deans at si Bea ang unang nakapansin sa presensiya ko.
Isang pingot ang ibinigay niya kay Deans bago siya nangingiting umalis. Bahagya akong natawa nang maisip ang naging reaksiyon niya sa ginawa ni Bea at hindi nga ako nagkamali dahil nakakunot ang noo nito habang nakahawak pa sa tenga.
"Hi," bati ko kay Deans.
Nang tumingala siya ay agad na umaliwalas ang itsura niya. Pansin ko rin ang bahagya niyang pagkagulat sa presensiya ko. Yeah I know, she didn't expect me kasi akala niya hindi talaga ako pupunta. Kinurap kurap niya pa ang mga mata niya na para bang sinisiguro kung totoo ngang nandito ako.
"You're here?" She asked, still amazed. Marahan kong pinitik ang noo niya kaya napahawak siya ro'n.
"Ayan, bumalik ka sa diwa mo haha,"
"Aw, that was mean," she commented habang hinihimas ang noo niya pero nangingiti niya 'yong sinabi. Hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko dahil sa expression niya. It was epic!
"Ba't ka nga pala nandito? 'Di ba you have a gig?" Sunod-sunod niyang tanong.
Nagdesisyon akong umupo sa katabi niya pero sinadya ko talagang magdistansiya nang kaunti sa kaniya. Wala naman siyang sinabi sa distansiya namin dahil alam kong naintindihan niya naman.
"Yup, my gig ako pero...I decided to come here instead," masayang sabi ko.
"But...why?" Naguguluhang tanong niya. I looked directly into her eyes.

BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...