Chapter 8

168 8 2
                                    

"Pass your paper in three, two, one. Whoop! Time's up!" Ani Professor Sanchez.

Monday na Monday ay pangmalakasang long quiz ang ibinigay agad sa amin ni sir. Napakagandang salubong 'di ba?

"Okay. Nandito na ba lahat?" Tanong niya habang nakataas ang mga papel namin.

"Yes, sir." We all answered in chorus.

"Okay, class dismissed."

Pagkaalis na pagkaalis ni sir ay agad napuno ng reklamo ang buong room. Surprised long quiz kasi ang peg ni sir kaya unexpected talaga 'yon. Mabuti nalang ay naisipan kong magbasa basa ng notes sa subject niya kagabi.

"Hay nako! Hindi na ako aasa na makakapasa ako sa long quiz na 'yon. Grabe naman 'to si sir. Monday na Monday gano'n kaagad ang bungad." Reklamo ni Maica habang inaayos ang mga gamit sa bag. Uwian na kasi namin ngayon dahil last subject na namin iyong kay Sir Sanchez.

Inayos ko na rin ang laman ng bag ko. "Hayaan mo na, baka ipa-retake lang 'yon ni sir kapag kakaunti lang ang nakapasa," ani ko naman.

"Hay sana nga. Maawa naman siya 'no." Isinabit niya na ang bag sa balikat. "Tara na! Uwi na tayo," pag aaya niya.

"Uh hindi muna ako makakasabay sa 'yo ngayon. Aantayin ko pa kasi si Renzie. May pag uusapan daw kami. Nagtext kasi kanina," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Ow ganon ba? Sige 'te, mauuna na ako. Babush! Kita nalang tayo bukas!" Pagpapaalam niya bago umalis.

Kumaway nalang ako sa kaniya. Isinabit ko na rin ang bag ko at bumaba na ng building. Dumiretso ako sa entrance ng building ng engineering. Naupo ako sa isa sa mga bench doon at nilibang nalang ang sarili sa pag i-scroll habang nag aantay ng uwian nina Renzie. Sumalubong agad sa akin ang message ni Deans.

@deannawongst
Hi! Gawa mo?

Agad naman ako nagreply sa kaniya.

@itsmeririelle
Eto nag aantay kay Renzie.

Matagal bago siya nakapagreply pero kita ko naman na na-seen niya na 'yong message ko kaya nagtype ulit ako.

@itsmeririelle
Uy

@deannawongst
Yes?

@itsmeririelle
Anong ginagawa mo?

@deannawongst
Wala naman. I'm just thinking of something.

Magta-type pa sana ako ng reply ko nang bigla ko nalang marinig ang boses ni Renzie.

"Elle..."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya at agad na tumayo. Itinago ko na rin ang cellphone ko at itinuon nalang ang buong atensiyon sa kaniya.

"Renzie..." Ngayong ko lang napansin na madami na palang estudyante ang nasa paligid. "Uh ano 'yong...pag uusapan natin?"

Hindi siya nagsalita at tinalikuran lang ako. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Nagsalita lang siya noong nasa parking lot na kami.

"Ba't 'di mo sinabi sa 'kin?" Aniya. Napakunot naman ang kilay ko sa sinabi niya, naguguluhan.

"Sinabi ang alin?" Nagtatakang tanong ko.

"'Yong pag-audition mo!" Medyo napataas na ang boses niya kaya bahagya akong nagulat do'n. Bakit ba ang init ng ulo niya at saka kanino niya nalaman ang tungkol do'n? Napayuko nalang ako. Hindi naman ganito si Renzie dati.

"H-Hindi ko na sinabi sa 'yo kasi hindi mo naman kailangan malaman," sagot ko, feeling a bit irritated.

Ibinalik ko ang atensiyon sa kaniya at nakita kong napahilamos nalang siya sa mukha niya. What's wrong with him? Parang ibang iba na siya ngayon.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon