Chapter 54

95 10 0
                                    

Tahimik lang kami habang bumabiyahe pauwi. Kami lang dalawa ni Deans ang nasa kotse dahil Bea volunteered na doon na muna sumama kina Loelle to give us some privacy, pero nakasunod lang ang kotse nila sa likod namin. Mahina rin ang pagda-drive ni Deans dahil siguro sa mga iniisip nito.

After the incident, they all decided to go home dahil aniya'y hindi na safe ang lugar na ito, hindi lang para sa 'kin kundi para rin sa kanila lalo pa't the people saw Bea and Deans helping me.

Malaking issue na naman ang kakaharapin namin at this time, madadamay pa si Bea. 'Yon ang bagay na hindi ko matatanggap, ang madamay ang ibang tao sa personal naming problema.

"Are you okay, Ririe?" Deans keep on asking me if I am okay pero tanging tango lang ang naibibigay ko sa kaniya. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako rito. Ibinalik ko naman ang atensiyon ko sa dinadaanan.

"Nilalamig ka pa ba, Ririe? Gusto mo bang patayin nalang ang aircon?" Tanong niya.

"Hindi na," maikling sagot ko.

Hindi na rin naman nagsalita si Deans kaya pumikit nalang ako at isinandal ang ulo sa upuan. Dahil na rin sa pagod ay hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako nang tuluyan nang huminto ang kotse na sinasakyan namin. Kasunod no'n ay ang pagpito at paghinto rin ng kotse na nakasunod sa amin. Nang pagbuksan ako ni Deans ng pinto ng kotse ay hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.

"Ririe, don't worry. We're safe here. Dito muna tayo...for now," saad niya.

Inalalayan niya naman akong bumaba at nang makalabas ay inilibot ko ang paningin sa paligid. Hindi familiar sa 'kin ang lugar pero alam kong hindi ito ang lugar kung nasaan ang condo ni Deans.

"N-Nasa'n tayo Deans?" I asked. Binalingan ko naman ng tingin ang mga kasama namin na naghihintay din ng sagot ni Deans.

"We're here at Bea's place. Sa condo muna niya tayo for now kasi baka may mga tao pa ro'n. It's...It's not safe for us," sagot niya naman.

Lumapit naman si gawi namin ang mga kasama at nagpaalam na uuwi na sila. Ngayon ko lang napansin na pati sina Cluen at Niccolai ay sumunod pa rin sa 'min. Akala ko kasi si Smith at Loelle lang dahil nakasakay sa kanila si Bea.

"Sige salamat. Mag iingat kayo," paalala ni Deans.

"Sige, salamat din. Tawagan niyo lang kami kung may kailangan kayo or something. We're always available naman," saad naman ni Loelle. Nagpasalamat ulit si Deans at lumapit sa akin. Gano'n din ang ginawa ni Bea nang tuluyan nang makaalis ang apat.

"Tara na. Ririelle is probably tired now that's why she needs to rest," aniya.

Dumiretso na kami sa elevator at pinindot na ni Bea ang floor kung saan naroon ang unit niya. Wala namang nag iimikan sa aming tatlo hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa condo.

Agad naman kaming inasikaso ni Bea at ipinagtimpla ng kape. Kumuha rin siya ng towel para sa aming dalawa ni Deans at kalaunan ay nagpaalam siya na maliligo muna. Basa rin kasi ang ibang parte ng katawan niya dahil sa pagbato ng mga tao kanina.

"Ririe...are you okay...now?" Tanong ni Deans nang kami nalang dalawa ang nandito.

"O-Oo, okay na rin ako...kahit papa'no," sagot ko naman. Wala rin namang sunod na tanong si Deans at ipinagpatuloy nalang ang pagkakape.

No'ng gabing 'yon ay hindi ako masiyadong makatulog kahit na nararamdaman ng katawan ko ang sobrang pagod. Ewan ko, masyado akong apektado sa mga nangyari. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko at hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang mga susunod pang mga araw na ganito ang sitwasyon.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon