Chapter 12

131 5 0
                                    

Madaling lumipas ang mga araw at eto na naman kami. Maagang gigising para pumasok sa school at seryosong makikinig sa mga professors buong maghapon. Honestly, namiss ko 'to kahit pa hindi naman masiyadong mahaba ang semestral break namin.

No'ng tumunog ang bell ay agad namang nagpaalam ang huling professor for this day. Niligpit naman namin ang mga gamit at lumabas na ng room. Kasama ko si Maica bumaba ng building pero parang hindi ko naman maramdaman ang presensiya niya. Ang tahimik niya kasi masiyado and it is unsual for her.

"'Te, okay ka lang?" I asked, worriedly.

Tipid naman siyang ngumiti at tumango. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka may problema nga siya. Ayoko namang mang usisa dahil kilala ko si Maica, magsasabi nalang 'yan kapag gusto niyang pag usapan ang isang bagay na bumabagabag sa kaniya.

Nang mga sumunod na araw ay ganoon pa rin si Maica. Hindi siya gaanong nagsasalita kaya nag wo-worry na ako sa kaniya pero everytime na magtatanong ako, iniiba niya ang topic o kaya naman kung minsan ay nililihis niya ang sagot.

Hanggang sa matapos ang klase at makauwi ako sa bahay ay iniisip ko pa rin ang mga posibleng dahilan kung bakit siya nagkakagano'n. Pati mga tweets niya ay kakaiba rin.

@jamaica_ramirez
It's coming.

@jamaica_ramirez
The day is about to come.

Hindi ko maintindihan lahat ng mga pinag ti-tweet niya. Mismong mga kaklase namin ay nakakapansin na no'n pero hindi naman nila magawang lumapit sa kaniya dahil hindi nga nakikipag interact sa kanila si Maica. Tanging ako lang naman ang palagi niyang kasama pero kapag tinatanong nila ako ay wala naman akong maisagot dahil wala rin akong alam.

Nababanggit ko rin kay Deans 'yon sa tuwing nagkakasama kami. As usual, nandito na naman kami sa favorite place, waiting for the sun to set.

"Maybe she has a problem or reason kaya siya nagkakagano'n. Try to figure it out," saad niya sa akin.

Noong araw na 'yon ay hindi kami nagpagabi sa lugar dahil may training daw sila kaya maaga akong umuwi ng bahay. Pagbukas ko ng cellphone ay chat agad ni Deans ang bumungad sa 'kin. Deans always make sure na ligtas akong nakakauwi kahit pa hinahatid niya naman ako sa bahay. Ramdam na ramdam ko tuloy ang pag aalala niya sa 'kin.

@deannawongst
Nakauwi kana? Kumusta? Pinagalitan ka?

Pasimple naman akong napatawa sa mga message niya kaya agad akong nagtipa ng reply. Alam niya na kasi ang sitwasyon ko rito sa bahay kaya todo pag aalala siya tuwing gabi na ako nakakauwi.

@itsmeririelle
Yup! Nakauwi na 'ko. Wala naman sina mama kaya don't worry. Thank you nga pala sa paghatid ha.

@deannawongst
No prob. You're welcome as always♡.

Kinabukasan ay napaaga ako sa pagpasok sa school. Hindi na 'yon bago sa akin dahil napapansin ko naman nitong mga nakaraang araw ay parang ang productive ko na everytime gigising ako sa umaga.

Hindi ko alam, siguro ganito lang talaga kapag inspired ka. Iyong tipong excited kang gumising bawat umaga kasi alam mong magiging masaya ang araw na 'to. Kagabi kasi, nabanggit ni Deans na siya nalang daw ang maghahatid sa 'kin pauwi sa bahay simula ngayong araw. Ayaw niya raw na mahirapan pa ako sa pag ko-commute. Ilang beses akong tumanggi but in the end, nag insist pa rin siya kaya wala na akong nagawa.

"Wow! Mukhang blooming ka, Ririelle ha," puna ni Athena na kakapasok lang din ng room. Mahina ko naman siyang kinurot saka natawa.

"Grabe, hindi naman,"

"Aray ha! Anong hindi, halata kaya sa 'yo girl," dagdag pa niya. Pasimple ko namang kinapa ang pisngi ko na para bang makakapa ko roon ang tinutukoy niya. "Uy, si Ririelle, inlove!" Pang aasar niya pa.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon