The first week of the school year was great. Mas marami akong naging kaibigan pero hindi 'yong kasama ko palagi sa lahat ng oras.
I am actually not interested in having a circle of friends since nasanay naman ako na isa o dalawa lang 'yong kaibigan ko talaga ever since mag-college ako. Sure marami akong kakilala but iilan lang 'yong tinuturing kong friends talaga.
Isa pa, meron din akong trust issues sa kaibigan dahil nga sa nangyari sa 'min ni Maica no'n kaya gano'n nalang siguro ang mindset ko.
"'Oh, ba't kumakain ka mag isa rito sa canteen? Nando'n sa oval mga kaibigan mo," pambungad sa 'kin ni Rein nang mapadaan siya sa table ko. I think galing siyang counter since may dala siyang foods.
"They're not really my closest friends," sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Umupo naman siya sa katapat na upuan at pinanood akong kumain kaya bigla naman akong nahiya. Ayokong may nanonood sa akin kumain. Nakakailang.
"Bakit?" Tanong ko. Umiling siya habang nakangiti.
"Wala," she said.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko at hinintay ang sasabihin niya pero mas lalo lang siyang ngumiti kaya napailing iling nalang ako.
"Tumigil ka nga, 'wag mo 'ko panoorin,"
"Hindi naman kita pinapanood eh, pinagmamasdan lang naman," she said. Isinandal niya ang siko niya sa mesa habang nakatingin pa rin sa 'kin.
"Tsk, pareho lang 'yon," she let out a small laugh bago nagsimulang kumain na rin.
Rein is friendly actually. Unang week niya palang ay nakikita kong marami na siyang nagiging kaibigan but I don't know ba't ako 'yong napili niyang samahan every lunch.
Aware naman ako na she's boyish pero wala naman sa 'king malisya ang pagsama niya sa 'kin every lunch. Uulitin ko, she's friendly kaya ganito ang trato niya sa lahat.
We had small talks during lunch. Sabay na rin kami umakyat sa floor since same room lang naman ang pupuntahan namin. Nagdiscussed lang naman 'yong prof no'ng hapon na 'yon at nagbigay ng lecture assessment. Gano'n din ang ginawa sa ibang subjects hanggang mag uwian.
"Ririelle, wait!"
Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran kung saan nakita ko si Rein na tumatakbong sumusunod sa 'kin.
"Bilis mo maglakad," aniya nang makalapit sa 'kin nang hinahabol ang hininga.
"Hindi ko naman sinabing sundan mo 'ko," pambabara ko sa kaniya at nagsimulang maglakad kung saan sumunod naman siya.
"Hindi nga pero gusto ko. Napapansin ko lang ha, medyo masungit ka sa 'kin pero okay ka naman kapag minsan. Why naman ganon haha," aniya. "Anyway, sa'n ka nakatira? Baka same location lang tayo, tara sabay na us."
"Diyan lang naman," I simply answered.
Nasa waiting shed na kami nang magtext si Deans habang si Rein naman ay hindi ko na naintindihan ang sinasabi dahil nasa message na ni Deans ang atensiyon ko.
From: Deans
Malapit na 'ko. Nandiyan ka na?To: Deans
Actually kararating lang.From: Deans
Okay, wait for me.Tinago ko na ang cellphone ko at ibinalik ang atensiyon kay Rein kung saan kanina pa pala ako pinagmamasdan.
"Uh ano nga 'yon? Sorry, may nagtext lang,"
"Wala, magtatanong lang sana ako tungkol sa midterm project. Anyway, mauuna na 'ko, mukhang may hinihintay ka eh," pagpapaalam niya at nagsimula nang maglakad paalis habang nakahawak ang dalawang kamay sa backpack niya.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...