Dahil sa naklaro na namin ni Deans ang issue tungkol doon sa picture nilang kumalat sa Twitter, eh sinimulan ko na rin ang pag aayos at pagtatapos ng accomplishment report ko.
Doon ko lang din napagtanto na ang dami palang mali at typographical error sa presentation ko kaya agad ko namang inaayos 'yon. Malapit na rin naman kasi ang final presentation namin kaya dapat ma-finalize ko na 'yon para wala na akong iisipin na.
"Are you done?"
Kasabay ng pagtatanong niya ay ang naramdaman kong pagyakap niya sa 'kin mula sa likod. Agad nanindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ang mainit na hininga niya na tumatama sa likod ko.
"Y-Yes, kakatapos lang," sagot ko.
I saved the file and exit the screen. Pinilit kong huwag makiliti sa hininga niya dahil baka kung ano ang isipin niya.
"Alright, let's eat na muna. I cooked Adobo, your favorite," aniya pa.
Nang marinig ko ang salitang 'yon ay agad akong nakaramdam ng gutom. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakakain no'n.
No'ng nasa Cam Sur kami, hindi naman ako nakakabili dahil kung hindi delata, eh, noodles madalas ang mga kinakain namin. Hindi ko na binanggit kay Deans ang tungkol do'n dahil baka pagalitan niya pa 'ko.
"Talaga? Wow, tara! Nagugutom na 'ko!"
Hindi ko pa natu-turn off ang laptop nang dali-dali akong tumungo sa mesa. Nangingiti namang sumunod sa 'kin si Deans, iniisip siguro nito na para akong batang binilhan ng laruan ngayon.
Well, iba pa rin kasi talaga kapag sabik ka sa isang pagkain lalo na't paborito mo pa 'yon at hindi mo na natitikham sa loob ng mahabang araw.
As usual, si Deans ang naglagay ng kanin at ulam sa 'kin. Well, palagi naman niya 'to ginagawa everytime kakain kami nang magkasama. Kahit ilang beses ko namang siyang sinabihan na hindi niya kailangang gawin ang mga bagay na 'to, ilang beses din siyang tumanggi dahil gusto niya raw 'to gawin sa 'kin.
Alam kong simple gestures lang naman 'to para sa iba but for me, it means a lot. Pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesang pinagsisilbihan.
Nang matapos kami kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos ay kinuha ko ang laptop at plinay ang presentation ko. Tumayo ako sa harapan nito at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago nagsimulang magsalita.
Hindi kasi ako 'yong tipo ng tao na kahit walang paghahanda, ay confident pa rin sa unahan at sa mga sinasabi. Ako kasi, kailangan ko pang magpractice nang paulit ulit para ma-gain 'yong confidence na 'yon at madeliver ko nang maayos kung ano man ang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, siguro dahil hindi ako sanay sa mga tao kaya hirap din akong magsalita sa unahan nila.
Napansin ko naman ang paglapit ni Deans sa gawi ko at pag upo nito sa couch nang nakaharap sa akin. I tried to avoid her gaze dahil nararamdaman kong kinakabahan ako lalo pa't diretso siyang nakatingin sa 'kin ngayon at saka pinagpatuloy ang pagsasalita na parang wala lang siya sa harapan.
Tumingin ako nang diretso kay Deans at bahagyang ngumiti. She did the same to me nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"And that ends my presentation. Thank you so much everyone for listening!" I even bowed down my head. Mas lumawak ang ngiti ko nang mag-thumbs up siya sa 'kin.
"Wow! I never knew na ang galing mo pala sa mga ganiyan, Ririe," she commented. I let out a small chuckle.
"Ngayon lang 'to 'no dahil ikaw lang ang audience pero kapag marami na, hindi ko alam kung magiging ganito pa ka-confident ang kalalabasan,"
![](https://img.wattpad.com/cover/284542922-288-k262047.jpg)
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...