Mahimbing na ang tulog ni Deans sa tabi ko at hindi na ako nagtaka dahil alam kong lasing siya kaya mabilis lang siyang antukin. Nakasiksik siya sa may dibdib ko habang ako naman ay pinaglalaruan ang buhok niya. Hindi kasi ako makatulog at hindi ko alam kung bakit. Hindi rin ako dinadalaw ng antok kaya wala rin akong magawa ngayon.
It was already 2:00 AM ngunit mulat na mulat pa rin ako. Ang daming bagay ang pumapasok sa isipan ko ngayon.
Two years...two years na kaming nagsasama ni Deans. Dalawang taon na kaming nagmamahalan at ang pagmamahal na ipinaparamdam niya sa 'kin ay walang katumbas. Ang pagmamahal na ipinaramdam niya sa 'kin ay walang katapusan.
Sa loob ng dalawang taon na 'yon, hindi nagbabago kung ano ang pagtingin niya sa 'kin, pero ako? I had some point in my life which I questioned myself, na para bang hindi ko nabibigay lahat lahat ng pagmamahal ko sa kaniya dahil may takot pa rin ako. Takot sa lahat, takot sa sitwasyon, at takot sa kung ano pa ang mangyayari sa hinaharap.
Within the span of two years, I experienced a lot which largely contributed to my emotion now. Masasabi kong, somehow I experienced growth.
Dahil sa mga pinagdaanan, masasabi kong malayo na ako sa dating ako. Marami na rin akong nagawa at alam kong marami pa akong magagawa at dahil 'yon sa babaeng mahal ko, dahil 'yon kay Deans.
She helped me with everything lalong lalo na noong panahon na sobrang lugmok na lugmok ako. Noong panahong sobrang kailangan ko ng tulong, nariyan siya.
She helped me cope up with everything...as in everything. Sa bawat punto ng buhay ko, nariyan siya at hindi napapagod intindihin at samahan ako. Nandiyan lang siya palagi at hindi ako tinalikuran.
Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok ni Deans at inamoy ito, ang bango. I gave her a quick yet gentle kiss before I close my eyes. Sobrang swerte ko sa babaeng 'to, kaya mahal na mahal ko siya, higit pa sa pagmamahal ko para sa sarili ko.
Kinabukasan ay naunang magising sa 'kin si Deans at hindi na ako nagtaka do'n dahil ako naman ang huling matulog kagabi. Nang magising ako ay nakaready na ang breakfast at nakaayos na rin siya.
"Good morning, Deans," nakangiting saad ko sa kaniya.
Agad naman siyang lumapit sa gawi ko at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Hinalikan niya rin ang noo ko na palagi niyang ginagawa tuwing gigising ako.
"Good morning, baby! Kumusta ang tulog mo? Mahimbing ba? Nagluto na nga pala ako, tara, mag almusal na tayo," aniya.
Mas lalo akong napangiti sa naisip tungkol sa kaniya. She really waited for me to wake up bago siya magbreakfast, sobrang swerte ko talaga.
"I thought paalis kana,"
"Hindi pa, I waited for you to wake up so that we can have breakfast together. Well, we should start our day with each other 'no para inspired buong araw," aniya. Nilagyan niya naman ng sinangag ang plato ko at pinagtimpla ako ng kape.
"Aww, that's so sweet!"
Tahimik lang kaming kumakain at hindi naman niya nababanggit ang tungkol kagabi. Maybe, she sensed na baka hindi ako maging komportable kapag ni-bring out niya 'yong topic na 'yon. Totoo naman dahil kung pag uusapan namin 'yon ngayon ay siguradong mahihiya lang ako.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na rin ako at nag ayos ng sarili. Pupunta kasi ng training si Deans at ako naman ay may lakad din ngayon. Papalapit na kasi 'yong performance namin para sa fiesta kaya kailangan naming mag rehearse pa nang magrehearse.
We should not fail kasi malaking iskandalo kapag nagkataon. Ayaw naman naming mamantsahan ang pangalan ng bandang binuo namin. Ayokong madungisan ang bandang Exisplay.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...