Chapter 25

128 4 2
                                    

Katulad ng dati, maaga na ulit umaalis si Deans para sa training. Halos napapansin kong hindi na nga siya nakakapag open kahit break time nila dahil siguro sa sobrang busy nila.

Naiintindihan ko naman dahil maski ako ay saksi sa hirap ng pinapagawa sa kanilang training. Nandiyan 'yong pinapatalon sila nang mataas na may kung anong aabutin sa dulo at kung anu ano pang mahihirap na ginagawa.

Sa ngayon, hindi muna pinapayagan na may outsider na manood sa training nila kasi dapat exclusive lang daw ito kaya heto ako ngayon sa isang fastfood chain, nag aantay kay Jojo.

Sinabihan ko kasi si papa na gusto kong makabonding ang kapatid ko at mabuti nalang ay agad naman siyang pumayag. Pinili ko na hindi na siya puntahan sa bahay dahil alam ko namang gagawa ng paraan si papa para makasama ko ang kapatid ko ngayon.

"Ate!" Agad akong napabalik sa ulirat nang marinig ang boses ng kapatid ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang hawak hawak ni papa ang kamay niya.

"Jojo!" Agad silang lumapit sa gawi ko at binigyan ko naman siya nang mahigpit na yakap. "Namiss kita!" Ginulo ko ang buhok niya na palagi ko namang ginagawa kaya napabitaw siya sa yakap nang nakasimangot.

"Ate naman, magulo na tuloy buhok ko", reklamo nito.

"Aba! Aba! Kailan ka pa naging conscious sa ayos ng buhok mo? Grabe ka ha, 'di ka pa nga tuli," pang aasar ko sa kaniya. Narinig ko naman ang pagtawa ni papa na nang aasar din.

"Shhh! Ate naman eh," pagmamaktol niya pa kaya mas lalo tuloy akong natawa.

"Oh, tama na 'yan, tama na 'yan. Ang mabuti pa ay umorder na tayo dahil sigurado akong gutom na 'tong si Jojo," sabi naman ni papa.

Naupo na kami ni Jojo habang si papa naman ang nagdesisyon na mag order. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mata ng kapatid kaya mas lalo akong natutuwa. Gusto ko palagi siyang ganito dahil deserved niya 'yon at hindi ko rin namang hahayaan na hindi siya maging masaya kahit papa'no.

Ilang sandali pa ay dumating na si papa at nilapag na lahat ng pagkain. Habang kumakain ay nabanggit niya sa 'kin na sa susunod na araw na ang balik niya sa trabaho.

Medyo nalungkot ako kasi gusto ko pa sana siyang makasama nang matagal pero wala naman akong magagawa. Trabaho 'yon eh, hindi pwedeng 'yong trabaho yung mag a-adjust kay papa.

"Pa, thank you," I said out of nowhere.

"Hm? Para sa'n 'nak?" Tanong niya. I smiled sweetly.

"For everything, pa. Thank you kasi kahit na gano'n 'yung nangyari, eh hindi niyo pa rin ako pinabayaan," saad ko.

Akala ko kasi kakampi siya kina mama. Akala ko ipagtatabuyan niya rin ako katulad ng ginawa nila pero hindi. Ni minsan hindi niya pinaramdam 'yon dahil naiintindihan niya ang sitwasyon.

"Syempre naman, 'nak! Hinding hindi kita pababayaan, tandaan mo 'yan, kayo ni Jojo, hinding hindi ko kayo pababayaan." Napangiti nalang ako sa sinabi ni papa.

Hindi rin naman kami gumala dahil panay na ang tawag ng asawa ni papa. Kesyo nasa'n na raw sila, umuwi na raw sila dahil kanina pa siya nag aantay.

Hindi ko alam kung anong problema ng asawa niya. Baka may hinala na ito na kasama ako nila papa. Well, wala naman siyang magagawa dahil si papa pa rin ang nasusunod sa kanilang dalawa.

Nang makasakay na sila ay nagsimula na rin akong maglakad. Gusto ko sanang pumunta do'n sa favorite place pero naisip ko na wala si Deans kaya 'wag nalang. Siguro uuwi nalang ako at antayin nalang siya sa pag uwi.

"Pst!"

Napakunot ang noo ko nang may sumisitsit mula sa likuran ko. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad ngunit napapansin kong palakas na nang palakas ang boses kaya mas bumibilis ang bawat hakbang ko.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon