It was really an struggle not just for me but for us to leave the area kasi may iilan pa rin na nakaharang sa daanan kaya hindi agad kami makaalis.
Halos abot langit ang kaba ko nang matingnan sila nang malapitan pero mabuti nalang at tinted itong kotse ni Smith kaya hindi nila nakikita ang mga nakasakay sa loob.
Kahit na gano'n, pakiramdam ko eh may nakakilala sa 'kin dahil hanggang sa tuluyan ng makaalis ang sasakyan ay may iilang hindi nila inalis ang atensiyon sa 'min.
"Finally! Nakalusot din!" Komento ni Smith. "Hirap makaalis ah," dagdag pa nito.
"Right, sinabi mo pa!"
Hindi ko magawang makisali sa usapan nila dahil ang isip at atensiyon ko ay naiwan doon kay Deans. Ang daming pumapasok sa isipan ko na hindi magaganda kaya sobra sobra ang pag aalala ko sa kaniya. Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko kaya agad kong tinext si Deans para kumustahin siya.
To: Deans
Nakaalis na kami Deans. Are you okay there? I'm worried.Patingin tingin ako sa cellphone ko, nagbabakasakaling may ma-receive na text mula sa kaniya pero wala kaya mas kinakabahan ako at mas binabalot ako ng pag aalala. I texted her once again at sinubukang pakalmahin ang sarili dahil alam kong hindi makakatulong kung pati ako hindi mapakali.
"Okay ka lang, Ririelle? Gusto mo ng tubig? Namumutla ka, oh eto inumin mo muna," Loelle said.
Napalunok naman ako at halos wala na akong malunok na laway dahil natutuyo na pala ang lalamunan ko. Agad kong kinuha ang bottled water na inabot ni Loelle mula sa front seat. Naramdaman ko ang uhaw nang makainom ng tubig kaya halos maubos ko ang laman nito.
"Deanna will be okay, Ririelle and I'm sure makakahabol siya. Just calm yourself and rest. Mahaba pa ang biyahe natin," ani naman ni Smith. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.
Tahimik ang naging biyahe namin at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko magawang matulog dahil sa pag aalala kay Deans. She usually updates me about what's going on, pero ngayon hindi niya nagawa kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya.
Nabuhayan ako nang mag vibrate ang cellphone ko and there is something in my heart that I couldn't explain. Agad kong binuksan ang message ko at bahagya nalang napatigil nang mapagtantong hindi 'yon galing kay Deans. It was from Bea.
From: Bea
Hey! I heard about the commotion outside your place. Are you okay?Bea is always there for us at kapag may mga nangyayari na hindi maganda, she never forgets to ask about our feelings, just like this. Agad naman akong nagtype ng reply sa kaniya.
To: Bea
Yes, okay na ako. Pero si Deans, naiwan doon sa loob ng condo at hindi siya makaalis. You guys have training today, right? She never reply to my messages din at sobrang nag aalala na ako.Pagkasend ko ng reply sa kaniya ay may panibagong text ulit siya.
From: Bea
The training was cancelled. Don't worry, I'll try to contact her and I will update you nalang if ever ma-contact ko siya. Where are you now?Nagreply naman ako sa kaniya na nagbabiyahe na kami papunta ro'n sa lugar kung saan ang gig namin. She just replied okay and ingat kaya ibinaba ko na ang cellphone ko.
Ibinalik ko naman ang atensiyon ko sa labas. Dahil na rin sa stress at pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Is she okay now? Kaya niya bang magperform?"
"Yeah, nakatulog naman na siya kaya okay na siya. Ririelle will perform, paulit ulit niya 'yon sa 'kin sinasabi,"
"We still have time to decide,"
![](https://img.wattpad.com/cover/284542922-288-k262047.jpg)
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...