Chapter 38

179 9 0
                                    

I spent the rest of the days of March sa loob lang ng condo unit. Paminsan minsan ay pumupunta ako ng studio para makipag-bonding sa mga bandmates ko.

Ngayon nalang ulit kami nagkita kita at nagkasama sama dahil sobrang busy sa kaniya kaniya naming mga ginagawa, lalong lalo na ako, pero ngayong bakasyon na rin naman ay mas marami na akong time sa pagbabanda.

"Okay, break muna tayo. Masiyado na akong napapagod. Napapaos na rin ako," pagbibiro ni Smith. Umaarte pa ang loko na hinihimas ang leeg niya.

"Wow ha, partida ikaw pa ang napapaos kahit hindi ikaw ang kumakanta. Nakakahiya naman kay Ririelle," sabat naman ni Loelle.

Puro talaga 'to kalokohan na mga kasama ko. Sa totoo lang, sobrang namiss ko sila. Ang tagal kaya na hindi kami nagkita kita kahit pa nag uusap usap naman kaming lahat sa gc namin, eh iba pa rin talaga kapag nakita at narinig mo ang presensiya at boses nila, lalo na kapag nag aasaran.

"Tama na nga kayo, para namang mga bata eh," suway ko sa kanila. "Magmiryenda nalang tayo, libre 'to ni Cluen," dagdag ko pa.

"Oo nga naman, parang bata 'tong si Smith, palibhasa walang baby," pang aasar pa ni Loelle.

Itinaas naman ni Smith ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Okay, wala na akong entry, talo na eh,"

"Gagu!"

Ipinagpatuloy lang namin ang practice hanggang sa sumapit na ang gabi. Sinundo naman ako ni Deans dahil maaga silang nakauwi ngayon. Paulit ulit lang ang routine ko hanggang sa nagkaroon ulit kami ng gig sa isang resto bar. Laking pasasalamat ko naman dahil magkakaroon na ulit ako ng pera at mabibigyan ko pa si Maica sa probinsiya.

Halos mga chill songs lang ang pini-perform namin dahil 'yon naman talaga ang standard kapag mga resto bar lang. Nakaupo lang din ako sa harap ng mic habang nasa unahan ko naman ang cellphone ko para tingnan ang lyrics ng kinakanta roon.

Maya-maya pa ay dumadami na ang mga taong nagsisipuntahan at naagaw ang atensiyon ko nang mapansin ang grupo ng mga kababaihan na kakarating lang. Bahagya naman akong nagulat nang mapansin ang pamilyar na tao roon.

Si Kerlynne, kasama ang iba pang mga kaibigan. Naroon din si Bea at iba pang hindi ko kilala, probably mga kaibigan din na nasa volleyball circle. Nang makita ako ni Bea ay ngumiti sa akin at tumango. Nag order na rin sila ng mga drinks at pagkain.

Patuloy lang ako sa pagkanta at paminsan minsan ay pasulyap sulyap ako sa table nila. Napapansin ko ring patingin tingin din si Kerlynne sa gawi ko at kapag nahuhuli ko siyang nakatingin ay ako na 'yong umiiwas. Bakit ba siya tingin nang tingin? Nakilala niya ba ako? Malamang ay iniisip nito na pamilyar ako sa kaniya.

Nang matapos ako kumanta ay nagpaalam muna ako sa mga kabanda ko na magsi-cr lang. Nang makalabas sa cubicle ay agad kong tinext si Deans na nandito si Bea kasama ang mga kaibigan niya. Sinabi ko rin na kasama si Kerlynne.

From: Deans
Yeah, actually, they invited me but I refused.

Agad naman akong nagtipa ng reply sa kaniya.

To: Deans
Ba't 'di ka sumama?

From: Deans
I just don't want to. Isa pa, nandiyan si Kerlynne baka kung ano na naman ang kumalat sa social media. I'm just being careful, Ririe.

Nagreply na lang ako ng okay sa text niya at akmang lalabas na sana nang pumasok si Kerlynne kaya bahagya akong napatigil. Nakatinginan din kami saglit bago ako umiwas ng tingin sa kaniya.

"Oh sorry, nagulat ba kita?" Tanong niya.

"Uh, hindi naman. Sige mauuna na ako," pagpapaalam ko rito.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon