Chapter 29

120 2 0
                                    

"Ririe, come here. Look, okay na ba? Bagay ba?" Sunod-sunod na tanong ni Deans habang hindi mapakali sa suot niya para sa live interview mamaya.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang buong katawan niya at hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin sa nakikita ko ngayon.

"Ang gwapo mo, Deans," papuri ko sa kaniya.

She's wearing a black polo shirt partnered with gray pants and a white sneakers. Ang pogi niya at ang astig ng awra niya kaya no wonder ang daming nagkakandarapang fans sa kaniya.

"Naks! Halika nga rito," aniya.

Lumapit naman ako sa kaniya at bigla niya naman akong niyakap nang mahigpit and I hugged her back. Parehas kami ngayon nakatingin sa salamin habang magkayakap.

"Ang ganda mo, Ririe,"

Marahan ko siyang hinampas. "Sus, nambobola ka na naman, porket pinuri kita ha," saad ko.

"Hindi ah, totoo kaya ang ganda ganda mo kahit hindi ka mag ayos, nakukuha mo palagi 'yong atensiyon ko. Eversince that day," she stated.

Nagtaka naman ako sinabi niya. "That day?" I asked.

Tiningnan ko ang itsura niya sa salamin at nakitang nakapikit na siya ngayon na para bang may inaalala.

"'Yong araw na lumingon ka sa 'kin habang may dala-dala kang mango shake. Parang nag slow motion ang paligid ko no'n and I felt this...strange feeling," nakangiting saad niya.

Inalala ko naman ang sinabi niya at 'yon yung time na nakaupo siya sa bench kasama ang ka-team niya. "Ah oo, naalala ko na. Hindi ko alam kung coincidence lang pero...I also felt a strange feeling that time,"

Iminulat niya ang mga mata niya at manghang tumingin sa 'kin. "Really?" Tumango naman ako. "Wow! Siguro, that was the sign."

"Sign?"

"Sign na siya na 'yong tamang tao para sa 'yo and..." she looks at me with full of admiration. "From that time, I know I made the right choice at ikaw 'yon, Ririe," she said.

I felt my heart fluttered upon hearing her words. Ang ganda pakinggan. Ang sarap ulit ulitin.

We exchanged I love you's bago siya umalis. She even left me with small kisses kaya ngingiti ngiti akong nagbukas ng cellphone at nagtingin tingin ng mga updates.

As usual, trending na naman ang team nila at ang pangalan ni Deanna. Hindi pa nga nagsisimula eh ang dami na namang tweets at posts tungkol sa kanila.

Out of curiosity, I search the name of Kerlynne. She has thousands of followers and almost lahat ng mga kakilala ko na kaibigan ni Deans ay naka-follow sa kaniya, even Deans.

I clicked the follow button and then stalked her tweets and photos. She's undeniably beautiful at photogenic din siya kaya naman pala sikat din.

Napagdesisyunan ko na buksan na ang tv dahil ilang minuto na rin naman ay magsisimula na ang live interview nila. Nagtext din sa 'kin si Deans na nakarating na siya ro'n at medyo kinakabahan daw siya dahil live interview daw kasi 'to at hindi pwedeng i-cut kung sakaling magkamali.

To: Deans
Isipin mo nalang na recitation 'yan at nagreview ka naman nang maigi kaya no worries. Goodluck, kaya mo 'yan!

Todo pagpapalakas lang ako ng loob sa kaniya dahil alam kong kahit sanay na rin naman siya sa atensiyon, eh hindi niya naman talaga comfort zone ang ganito. Naagaw ng atensiyon ko ang pagsasalita ng host kaya itinabi ko na ang cellphone ko para makapag focus sa t.v.

Ipinakita sa screen ang set up ng stage at may mga iilang live audience rin na nag aantay sa pagpasok nila. Nagpakilala na ang host at ipinakilala na rin isa-isa ang mga players ng Flying Titans kaya todo tilian naman ang mga live audience. Nang i-introduce si Deans ay mas lalong lumakas ang sigawan at palakpakan nila kaya hindi muna nakapagsalita ang host dahil do'n.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon