Kanina pa ako paikot ikot sa kama dahil dito ko nalang binubuntong ang inis do'n kay Jeannah. Hindi ko nga rin alam kung pa'no ako napunta rito dahil sa sobrang inis. Basta ang alam ko lang ay inis na inis akong nakatingin sa babaeng 'yon habang hinihila si Deans papunta sa kung saan.
Wala namang magawa si Deans dahil hinila na nga siya kaya hindi na siya nakatanggi. Nagtext nalang siya sa 'kin no'ng medyo malayo na sila na hindi siya magtatagal at babalik din agad siya pero syempre dahil sa inis, hindi ko siya nireplyan. Bahala ka diyan! Diyan ka sa Jeannah mo.
Nanood nalang ako ng mga videos para pampalipas ng oras at para mawala rin kahit papa'no ang inis ko. Kahit entertaining ang mga pinapanood ko ay hindi ko magawang ma-entertain dahil ang isip ko ay lumalakbay kay Deans at kay Jeannah.
Ano na kayang pinag uusapan nila ngayon? Nagtatawanan ba sila? Masaya ba si Deans na kasama siya? Hays, badtrip naman oh. Kasalanan 'to ni Robin!
Naramdaman ko na rin na medyo kumakalam na ang sikmura ko kaya nagdesisyon na akong bumangon para bumili ng pagkain sa labas. Kinuha ko ang jacket ko at ang wallet pero pagbukas ko ng pinto ay nakita kong papalapit na si Deans.
Bahagya rin siyang nagulat sa presensiya ko kaya pansin ko mas binilisan niya ang paglalakad para mas madaling makalapit sa 'kin. She stops in front of me with a worried look.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya. Wow ha! Kung makapagtanong siya parang hindi niya ako iniwan kanina. Iniwas ko naman ang paningin ko sa kaniya at pinakitaan siya ng naiinis na expression.
"Sa labas. Bibili ng pagkain," I make sure na malamig ang pagkakasabi ko no'n para mas lalo siyang kabahan sa inaasta ko ngayon.
Akmang lalampasan ko na sana siya nang harangin niya ako at tuluyang pinapasok sa silid. Isinara niya rin ang pinto at doon ko lang napansin na may dala pala siya.
"Walang lalabas, may dala ako. Halika na kain na tayo," pag aaya niya.
She prepared the foods in the table. Nang makita kong seafoods ang mga 'yon ay mas kumalam ang sikmura ko.
"Hindi na sa labas na 'ko. Busog ka narin naman eh," pagmamatigas ko pa or should I say, pag iinarte ko pa. I know I sound jealous pero hindi mapigilan.
Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay hinawakan niya agad ang wrist ko at marahang hinatak papunta sa kaniya. We are now facing each other.
"Ririe, hindi ako kumain do'n, okay? Kasi gusto kong ikaw ang kasabay ko kaya please, halika na," pagmamakaawa niya.
Wala akong salitang sinabi at sumunod nalang ako sa kaniya. Ghad! Ang rupok ko pagdating sa kaniya! Parang ako tuloy ang baliw na baliw sa kaniya ha.
Pero medyo nabawasan din ang inis na nararamdaman ko dahil sa sinabi niyang hindi siya kumain. I secretly smiled nang maisip kung ano ang naging reaksiyon ni Jeannah sa pagtanggi niya. Should I ask Deans?
"I know what you're thinking,"
Napabalik ako sa ulirat nang magsalita siya. Masyado ba akong halata kapag may iniisip? Dapat ko bang itanong kung anong naganap sa pag uusap nila? Does Jeannah asked for a second chance?
"Tsk,"
"Come on, Ririe! Wala naman kaming ibang pinag usapan ni Jeannah, nangamusta lang siya, that's all! Hindi rin naman ako nagtagal do'n dahil ayoko. Hindi ko kayang magpakasaya ro'n habang ikaw nandito," pagpapaliwanag niya.
I was speechless. Kahit na ibang tao ang kaharap at kasama niya, she's still thinking about my situation. Ako pa rin ang iniisip niya.
"Talaga? Walang ibang pinag usapan? Like 'yong...past niyo?" Sunod-sunod kong tanong pero umiling naman siya.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...