Chapter 33

267 5 1
                                    

Our on the job training went well. Marami kaming naging ka-close na empleyado at lahat sila mababait. Marami rin kaming natutunan sa kanila at sa mga pinapagawa nila na talaga namang magagamit namin once na tumapak na kami sa totoong buhay.

It's now our last day kaya naman lahat ng mga hindi namin natapos ay ginawa na namin. Mahirap kapag may baon ka pang gagawing report pauwi kaya habang may oras pa ay dapat tapusin na.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang lagyan ng period sign ang pinakahuling pangungusap na sinulat ko. I'm finally done! I-encode ko nalang 'to sa condo kapag nakauwi na dahil lunch time na rin naman at besides, wala akong dalang laptop.

Ang mga kasamahan ko ay nagdecide na kumain naman sa isang restaurant. Since last day naman namin eh hindi naman masama i-treat ang sarili kaya lahat kami ay nag go. I just ordered a cup of rice, sisig and a pork steak. Sinamahan ko rin 'yon ng milkshake.

Habang kumakain ay pasimple ko namang mini-message si Deans kung kumusta ang umaga niya. Usually, kapag lunch time ay ito din ang oras naming dalawa since lunch din nila ro'n.

From: Deans
Eto kakatapos lang kumain. I know you're eating right now, so please Ririe, eat well muna.

Napanguso ako sa message niya. Alam na alam niya talaga 'no?

To: Deans
Ayaw mo akong katext?

I know, I sounded clingy with that message. Pero wala na akong pake kasi I just want to have a conversation with her.

"Uy, ibaba mo naman phone mo. Eto naman bebe time palagi eh. Inlove na inlove 'te?"

Ibinaba ko ang cellphone sa tabi habang natatawa at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Grabe, tinanong ko lang naman kung kumain na," saad ko.

"Sana all nalang 'di ba?" Saad naman ng isa.

"Gan'yan talaga kapag may jowa na. Kailan mo ba sa 'min 'yan ipapakilala? Siguro gwapo 'yan 'no?"

I smiled with what she said. Kung alam niyo lang, hindi lang gwapo kundi maganda pa pero syempre hindi ko naman pwedeng sabihin 'yon.

"Oo, gwapo talaga," saad ko, nangingiti.

Nang dahil sa sinabi ko ay hindi napigilan ng mga kasama ko ang mapatili nang mahina kaya ang ilan sa mga kumakain ay napapatingin sa amin. Sila pa talaga ang kinilig ha?

"Shhh, 'wag kayong maingay. Pinagtitinginan na tayo oh," saway ko sa kanila.

"Naks, kainggit. When kaya ako?"

Hindi ko na nasundan ang pag uusap nila dahil nakita kong may text si Deans kaya binasa ko 'yon at nireplyan.

From: Deans
Syempre gusto pero mas gusto ko ang busog ka. Are you with someone?

"Uy mga dai, maiba ako, kilala niyo 'yong sikat na volleyball player sa Ateneo?"

Hindi agad ako nakapagtipa ng reply dahil nakuha nila ang atensiyon ko pero hindi naman ako nagpahalata na nakikinig sa kanila.

"Sino? Si Bea?"

"Hindi, 'yong isa,"

"Si Wong?"

"Siya ba 'yong setter?"

"Oo,"

"'Yon! Siya nga,"

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya nakuha muli nito ang atensiyon ko at nakitang may text ulit si Deans.

From: Deans
What took you so long? :<

A small smile appears on my lips. Tampo 'yarn? Parang nai-imagine ko ang nakapout niyang itsura habang nakatingin sa cellphone niya.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon