Chapter 6

207 8 0
                                    

Dalawang Linggo ang nakalipas simula nang matapos ang Intramurals. Pagkatapos ng pageant ay nagkaroon ng party para sa lahat. Hindi na ako umattend do'n dahil hindi naman talaga ako mahilig sa mga party. Hindi talaga ako umattend kahit na pinipilit ako ni Maica na sumama. Nagdahilan nalang ako na pagod at gusto nang magpahinga.

Kinabukasan no'n ay nag usap na kami ni Renzie at nagkaayos na rin kami kahit papa'no pero kahit okay na kami ngayon ay parang may something pa rin na iba. Hindi na kasi siya dumadalaw sa bahay kahit pa si mama mismo ang nagsasabi sa 'kin na papuntahin siya.

Katulad noong sumapit ang pasko at bagong taon, sinabihan ako ni mama na papuntahin si Renzie sa bahay para rito na salubungin ang pasok. Umuwi no'ng time na 'yon si papa at wala na akong nagawa no'n kasi kahit si papa ay sinabihan din ako. Gusto niya kasing mas makilala pa si Renzie.

"Ma, pa." Sabay silang tumingin sa akin at saglit na itinigil ang ginagawa. Kahit si ate ay nakatuon din sa akin ang atensiyon. Si Jojo naman ay busy sa panonood ng t.v sa sala. "Uh, h-hindi raw po makakapunta si Renzie ngayon," pagpapatuloy ko pa.

Ipinagpatuloy naman ni mama ang ginagawa niya. "Ano ba naman 'yang manliligaw mo, Ririelle. Bakit hindi raw makakapunta?"

Kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni mama. Alam ko kasing kapag gano'n ang tono niya ay naiinis na siya. Gusto niya kasing palagi siyang nasusunod sa lahat ng gusto at sasabihin niya. Lumunok muna ako bago nagsalita. "May...may family dinner daw po sila sa isang restaurant," sagot ko naman.

Kita ko naman ang pag irap ni ate sa naging sagot ko. Ano na naman bang ginawa ko? Si mama naman ay ipinagpatuloy nalang ang ginagawa at may kung anu-anong binubulong. Hindi tuloy ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil baka ako na naman ang sisihin ni mama kung bakit hindi rito makakapunta si Renzie.

"Hayaan muna, sweetheart. Bigyan natin ang bata ng pagkakataong makasama ang pamilya niya. Tutal pasko naman ngayon, eh tayo nalang ang magsalo-salo. 'Di ba, 'nak?" Tanong sa 'kin ni papa. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

Hindi na naman sa akin nakatakas ang pasimpleng pag irap ni ate pero hindi ko nalang iyon pinansin. Ganiyan naman talaga 'yan palagi eh. Kahit wala akong ginagawa, hindi maalis sa kaniya ang pag irap.

Kahit noong new year ay hindi pa rin pumunta rito si Renzie. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nalang inaalam dahil baka valid naman talaga 'yong reason niya.

Ayoko lang manghimasok sa personal niyang buhay dahil nililigawan niya lang naman ako. Kilala ko naman si Renzie, mag o-open nalang 'yan sa 'kin kapag gusto niyang pag usapan ang tungkol doon.

"Happy New Year!" Sigaw ni papa at itinaas ang baso niyang may lamang wine. Kinuha ko naman ang baso ko at itinaas din iyon. Gano'n din ang ginawa nina mama at ate. Kay Jojo naman ay juice ang binigay ni mama.

Kahit papa'no naging okay naman ang nagdaang pasko at new year ko. Noong bumiyahe na ulit si papa pabalik ng site nila ay naging kalbaryo na ulit ang buhay ko. Bumalik din ang totoong trato sa 'kin ni mama at ate.

No'ng nandito pa kasi si papa ay ang bait bait sa 'kin ng dalawa. Iyong tipong maniniwala ka talaga na maganda ang nangyayari rito sa bahay kapag wala si papa.

Kahit may pagkakataon akong magsumbong no'ng umuwi si papa ay hindi ko ginawa dahil ayokong masira ang pamilya namin nang dahil lang sa 'kin. Kaya ko naman tiisin lahat eh, huwag lang masira ang pamilya ko.

Ngayon naman ay balik na sa dati ang lahat. Papasok nang maaga at uuwi nang late sa hapon. Marami na naman kasing pinapagawa dahil malapit na ang finals plus mag i-end na rin ang school year.

"The invention of the microscope led to the discovery of the cell by Hooke." Palakad lakad sa unahan ang professor habang may hawak na cork. "While looking at cork, Hooke observed box-shaped structures, which he called "cells" as they reminded him of the cells, or rooms, in monasteries and this discovery led to the development of the classical cell theory. Did you understand?" Tanong ng professor namin.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon