Chapter 42

126 8 0
                                    

"Ito 'yong ipapasa niyo? 'Wag 'to, ayusin niyo 'to," pambungad agad sa amin ng thesis adviser namin nang makita ang related literature and studies na ginawa namin. Hindi ko nga alam kung binasa niya ba ang ginawa namin o pinasadahan lang ng tingin.

"Pero sir, sabi mo one paragraph per study. Sinunod lang namin yung sinabi mo," saad ko naman. Ang hirap hirap kaya gumawa ng related literature and studies lalo pa't may pabigat kang kasama.

"Sinunod nga pero hindi niyo naman inayos. Eto ang ipi-present niyo sa panel? Naku! Ki-kwestiyunin kayo riyan, sinasabi ko sa inyo. Kaya mabuti pa't ayusin niyo na ngayon, mahirap pa naman gawin 'yan," ani ulit nito bago kami tinalikuran at bumalik na sa table niya nang wala man lang pasabi.

Wala na akong nasabi dahil alam kong alam niya ang flow ng study namin at baka ma-bad shot pa kami kapag nakipag-argue pa ako sa kaniya. Si Lance naman ay tahimik lang dahil wala naman siyang maintindihan sa mga sinasabi ng adviser namin.

Dahil malapit na ang pre-oral defense kung saan ipi-present namin ang chapter one to three ng paper ay talagang wala na dapat kaming sayangin na oras pa.

"Hatiin nalang natin, ako sa literature at ikaw naman sa related studies," suggestion ni Lance. Gusto kong umirap sa sinabi niya pero somehow, gusto ko ring may maiambag siya sa paper namin. Sige, ngayon ay papayag ako dahil kailangan ko rin naman talaga ng tulong at tsaka, baka ngayon umayos na siya at gawin niya na ang part niya.

"Sige, deal. Basta gawin mo ha. Baka 'di mo na naman gagawin, umayos ka," pagbabanta ko rito. Medyo nadala na kasi ako noong introduction palang ang ginagawa.

"Oo akong bahala. Kala mo sa 'kin bobo? Hindi 'no, honor student ako no'ng elementary," pagmamayabang nito pero hindi ko na pinansin. Ayoko kasi ng puro salita pero wala naman pala talagang binatbat.

"Ayan, sa 'yo na 'yang hard copy kasi meron naman akong soft copy sa laptop. Bukas, magkita ulit tayo at ibigay mo sa 'kin ang gawa mo para ma combine natin," ani ko naman.

"Oo, akong bahala. Sige na, una na ako ha," pagpapaalam nito. Tumango na lamang ako sa kaniya at humiwalay na ng landas.

Pupunta nga pala akong school library ngayon para maghanap ng mga librong pwedeng makuhanan ng information sa paper na ginagawa namin. Magtitingin tingin na rin ako ng mga past researches and studies para may guide ako sa maayos na paggawa ng chapter two.

"Ririelle, nasa'n na 'yong sa 'yo? Wala ka pa palang pinapasang activity kay Sir Sanchez. Mabuti nalang ay napansin ni Athena na wala pa ang papel mo kaya nag insists kami na kami nalang ang magpapasa. Bilis, amin na ang papel mo baka umalis na si sir," saad ni Rein nang makita ako sa hallway.

"Ah, oo! Nakalimutan ko nga pala ibigay. Teka, sandali, hahanapin ko muna. Nandito lang 'yon eh,"

Agad ko namang hinanap sa bag ko ang activity na pinagpuyatan ko kagabi. Alam kong rush ang paggawa ko pero binigay ko pa rin ang best effort ko do'n.

Kinakabahan na ako nang hindi ko pa makita ang papel dahil hindi pwedeng hindi ako makapasa no'n. Major subject ang subject ni Sir Sanchez kaya malaking kawalan talaga kapag may kulang kang activity.

"Asan na? Bilis, baka umalis na si sir. Ako ang sisisihin ng mga kaklase natin kapag 'di ko 'to napasa. Hawak ko ang buhay nila," pagbibiro pa ni Rein.

"Eto na, eto na. Wews! Kinabahan ako do'n ha, akala ko nawala na,"

Pinunasan ko ang pawis ko at pinakalma ang sarili. Nagpaalam na rin ang dalawa at agad na tumungo sa faculty office. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papuntang school library. Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko at agad ko rin naman itong kinuha.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon