Nakatingin lang ako sa bintana habang bumabiyahe pabalik ng Manila ang bus habang ang mga kasamahan ko naman ay may kung anu anong ginagawa. Ang iba naman sa kanila ay tulog dahil na rin sa maaga kami umalis kanina.
Malamig ang dampi ng hangin sa balat ko pero pinabayaan ko lang 'yon. The coolness of the wind makes me feel comfortable kaya hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako sa tapik ni Athena sa braso ko at napagtanto kong nandito na pala kami sa terminal.
She helped me carry my luggage hanggang sa makababa ako. Lumapit din sa 'min si Rein at nag hintay din ng taxi. Halos walang tumitigil na taxi dahil halos puno o kung hindi naman eh, tumatanggi dahil masiyadong malayo raw ang uuwian namin.
Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil bukod sa pagod ako, eh medyo masakit ang ulo ko. Gustong gusto ko nang magpahinga muna ngayon dahil ang sakit ng katawan ko sa totoo lang.
"Hindi ka ba susunduin ni Deanna ngayon?" Tanong ni Athena na siyang ikinagulat ni Rein.
Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit sa kaniya na alam na pala ni Athena ang tungkol sa 'min. Binalingan ko si Rein na nakaawang ang labi at gulat na gulat sa narinig. She gave me a what-does-she-mean look kaya nagsalita na ako.
"She knows na, nakalimutan ko lang sabihin sa 'yo," saad ko.
Napansin kong nakahinga siya nang maluwag doon. Natawa nalang ako dahil parang siya pa ang nasa sitwasyon ko kung makaasta. Siya pa 'tong mas kinakabahan kaysa sa 'kin.
Bumaling naman ako kay Athena na naghihintay pa rin ng sagot ko. "Hindi eh,"
"Sa'n ka uuwi?"
"Condo niya," wala sa sariling sagot ko. Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko nang sabay silang mapasigaw.
"WHAT?" Napatakip nalang ako sa tenga ko. Napansin ko ring nakatingin na sa 'min ang iba pang naririto kaya sinabihan ko sila na hinaan ang boses.
"Teka, teka. Tama ba ang narinig namin? Sa condo ka niya uuwi?" Hininaan ni Rein ang huling tanong para walang ibang makarinig.
Since nadulas na ako, hindi ko na pwedeng bawiin 'yon. Alam na rin naman nila na kami ni Deans kaya wala naman na sa 'kin kung malaman nila na nakatira kami sa iisang condo 'di ba?
"Oo, we're living together," proud na sagot ko.
Binigyan lang ako ni Athena ng makahulugang ngiti kaya pailing iling nalang ako kahit hindi ko naman alam kung ano ang iniisip niya. Habang si Rein naman ay binigyan ako ng isang malakas na kutos kaya napakamot kamot nalang ako. Kahit kailan brutal talaga 'tong babaeng 'to.
"Gaga ka, landi ha!" Tumawa nalang kaming tatlo dahil sa ka-oa-han ni Rein.
Ilang sandali pa ay may tumigil na taxi at sumakay na kami. Hindi naman naging boring ang biyahe dahil panay ang kwento ni Rein tungkol sa mga kagrupo niya.
Aniya'y halos lahat daw ayaw mabasa kaya inis na inis daw siya nitong mga nakaraang araw. Nakikinig lang ako sa kanila at nakikitawa because I have nothing to say. Gusto ko na talaga kasi magpahinga.
Nang tumigil ang taxi ay agad na akong bumaba at nagbayad. Nagpaalam din ako sa dalawa at nauna nang sumakay sa elevator.
Pagdating ko sa floor namin ay kinuha ko ang susi ko at binuksan ang pintuan. Actually, I didn't feel excited kasi alam ko naman na wala akong Deanna'ng madadatnan dito. Kung siguro'y nandito siya, malamang hindi na ako mapakali ngayon.
Upon entering the unit, parang biglang nawala ang pagod ko. Kahit wala ang presensiya niya, pakiramdam ko eh nandito siya. Napangiti naman ako, na-miss ko ang unit na 'to at mas lalo na 'yong tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/284542922-288-k262047.jpg)
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...