Ilang segundo pa ako napatulala sa message niya. She's here in Cam Sur! She's here! The fuck! Nandito siya, seryoso ba 'to? Pinasadahan ko ulit ng tingin ang message niya at binasa ulit 'yon. Totoo nga! Hindi ako nagkakamali! Nandito siya!
Para akong nabuhayan sa pwesto ko. Alam niyo 'yong feeling na bigla akong na-recharged sa nalaman? Gano'n 'yong feeling!
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarili. She's waiting at the people's park. Hindi ko alam kung kanina pa siya pero ang alam ko lang ay kailangan ko nang makapunta ro'n. She's waiting! May baby is waiting for me!
Nagpaalam din ako sa mga kasamahan ko. They asked me kung anong oras ang uwi ko dahil may curfew ang land lady ng apartment.
"Uh, hindi ko alam pero I'll make sure na before nine, nandito na ako," sagot ko. Alam ko na halata sa boses ko ang pagmamadali pero mabuti nalang ay wala silang sinabi tungkol do'n.
"Okay, sige. Ingat ka!" I just smiled at them. Isinara ko naman ang pinto at dali-daling bumaba ng hagdan. Nasa bandang may gate na ako nang makasalubong ko si Rein na may dalang mga pagkain.
"Hep hep! Sa'n ka pupunta?" Malisyoso niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad.
Halos hindi na ako mapakali sa harapan niya dahil sa sobrang excitement na nararamdaman. Para akong teenager na tumakas para makipagkita sa boyfriend. I leaned closer to her.
"Deans is here. She's waiting for me at the people's park!" Masigla ngunit pabulong kong sagot sa kaniya.
"Oww, kala pala biglang gumanda ang mood. Sige na, mag iingat kayo ha. Just call me if something happens," saad niya pa.
"Sure, Rein. Thank you, ba-bye!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumakbo na ako palabas. Ayoko rin naman magtagal pa ro'n kasi iniisip ko si Deans na naghihintay sa 'kin.
Pinalinga linga ko ang atensiyon ko para maghanap ng masasakyan at mabuti nalang ay may lumapit na agad na trycicle. Agad ko naman sinabi kung saan ako pupunta kaya pinaandar niya na ang sasakyan.
Habang nasa biyahe ay nagtext ako kay Deans na papunta na ako. Hindi ko rin maiwasan na hindi kabahan dahil ngayon nalang ulit kami magkikita at magkakausap nang maayos, I guess?
Madami akong gustong itanong sa kaniya, madami akong gustong i-klaro at alam kong ngayong gabi ang tamang panahon para ro'n.Nang makapagbayad ay agad akong bumaba. Lakad takbo ang ginawa ko para hanapin siya sa people's park at panay din ang tingin ko sa cellphone ko na baka may text siya. Nagtext ulit ako sa kaniya na nandito na ako at mabuti nalang nagreply agad siya.
From: Deans
I'm sorry, Ririe. May nakakilala ata sa 'kin kaya lumipat ako ng pwesto. Nandito ako ngayon sa may tabi ng Geron's Bakery.Hindi na ako nagreply pa sa kaniya dahil kumaripas na ako ng takbo papunta sa lugar na sinabi niya. Nag aalala rin ako baka dumugin siya rito, wala pa naman siyang alam sa lugar na 'to. Ayokong mangyari 'yon.
Nang marating ko ang Geron's Bakery ay nakita ko na siya na nakayuko lang habang nakatingin sa cellphone niya, probably waiting for my reply. Naka-hood din siya at facemask para hindi makilala.
My heart automatically beats faster when I feel her presence. Parang lahat ng pagod ko nawala. Hindi niya pa napapansin ang presensiya ko dahil hindi siya nagpapalinga linga. I immediately type a message for her.
To: Deans
Baby...To: Deans
Nandito na 'ko...sa 'yoAgad siyang napatingin sa gawi ko at sinalubong ko naman ang pagod niyang mga mata. Bahagya rin siyang nagulat nang makita ako pero agad din 'yon napawi nang tuluyan na siyang lumapit sa 'kin nang hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...