"Ready na ba ang lahat? Wala nang naiwan? 'Yong sombrero ko, nadala mo ba Sachi?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Judin sa mga anak niya.
"Yes, mom kaya tara na," Deans said habang bitbit ang bag ko.
Ilang beses kong sinabi sa kaniya na ako na magdadala no'n pero ilang beses din siyang tumanggi. Aniya'y responsibility niya raw ang maging isang gentleman sa mata ko kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya.
"Okay, tara na. Sachi, dala mo ba kotse mo?" Tita Judin asked again.
"Hindi mom. I left it in Manila. Why?" Deans asked.
"Sa 'min na kayo sumabay ni Ririelle. Nicole, dalhin mo kotse mo. Sa 'yo sasakay mga kapatid mo," utos naman ni tita kay Ate Nicole.
"Opo, mom. Ako na po bahala," Ate Nicole answered.
Isang kotse at isang van ang dala namin. Ang parents ni Deans at iba pang mga kasama sa bahay ang sasakay sa van kasama na kami pati 'yong hinire na driver. Sa kotse naman ni Ate Nicole ay ang tatlo pang kapatid ni Deans.
As usual, magkatabi kami ni Deans sa likod ng upuan ng parents niya. Kinailangan pa ng alalay para mapaupo sa van ang papa niya dahil hindi na nito kayang kumilos. Dinala rin namin ang wheelchair nito.
Bago umandar ang van ay napansin kong malungkot na nakatingin sa unahan si Deans kung saan naro'n nakaupo ang papa niya. Basang basa ko sa mga mata niya na nalulungkot siya sa kalagayan nito.
Naagaw ang atensiyon niya nang hawakan ko ang kamay niya. Binigyan ko naman siya ng isang comforting na ngiti para iparamdam sa kaniya na magiging okay din ang lahat. Pinagsiklop ko rin ang mga daliri namin kalaunan.
Halos magtatatlong oras ang naging biyahe namin patungo sa beach resort na sinasabi nila kaya nang maiayos namin ang mga gamit sa kaniya-kaniyang kwarto ay bumaba na ulit kami para sa tanghalian. Mamayang hapon nalang daw namin i-enjoyin ang beach dahil tanghali na rin naman.
Masaya kaming kumakaing lahat. There are a lot of foods in the table. May mga iba't ibang putahe ng karne at gulay din. Mayroon ding mga seafoods na sobrang lalaki talaga. Sarap!
Naparami tuloy ang kain ko dahil nakakagutom ang amoy no'n. Mabuti nalang at hindi ako mahilig sa bikini kaya okay lang kahit magpakabusog ako ngayon. Minsan lang to eh kaya sulitin na dapat!
"Hindi pa ba tayo maliligo?" Tanong ni Deans habang nakatingin sa bintana kung saan pinagmamasdan niya ang mga kapatid niyang nagtatampisaw na ro'n.
Pagkatapos kasing kumain ay dumiretso kami rito sa kwarto para magpahinga. Gano'n din ang ginawa ng mga kasama namin pero nang makapagpahinga na ay nagsimula na silang maligo ro'n. Ang mga magulang naman ni Deans ay natulog muna saglit dahil napagod daw sa biyahe.
Lumapit naman ako sa may bintana at tiningnan kung marami ang taong naroroon. Tama nga siya nakakatemp nang maligo dahil hindi naman masiyadong mainit pero baka kasi...
Natigil ako sa pag iisip nang may maramdamang kamay na pumulupot sa bewang ko. Deans hugged me from the back and it gives me goosebump.
"I know what your thinking," she whispered. Napahinga nalang ako nang malalim nang mapagtanto niya 'yon. "Please, Ririe? Kahit ngayon lang?" Pagmamakaawa niya. "Kahit ngayon lang, mag enjoy naman tayo. Huwag mo munang isipin ang mga tao," dagdag pa niya. Her voice is so low na para bang ayaw niya 'yon iparinig sa 'kin.
Naisip ko tuloy na I'm so selfish kasi palaging ang gusto ko ang nasusunod. Kung nasaan ako, alam kong do'n din si Deans. Kahit na mahihirapan siya, susundan at susundan niya pa rin ako sa kahit anong sitwasyon.
Hinarap ko siya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. I smiled at her.
"All right. Let's escape reality for now," I said. She smiled at me as well na para bang nabunutan ng tinik.
![](https://img.wattpad.com/cover/284542922-288-k262047.jpg)
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...