Chapter 28

136 4 1
                                    

Isang araw nalang bago ang championship kaya rinig na rinig kong pinag uusapan ng mga kaklase ko ang tungkol do'n.

"Uy sis, nakabili na ako ng ticket. Ikaw ba?"

"Hindi pa eh, mamaya pa siguro,"

"Tanga dapat bumili kana, sigurado kasi akong madaming manonood niyan,"

"Ay naku, dapat ngayon bumili kana kasi ubusan ngayon ng ticket. Buti malayo palang nakapagpa-reserve na 'ko,"

"Mga 'te, eto sa 'kin oh, mainggit kayo please,"

Halos bukambibig nila ang tungkol sa ticket kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at nagmessage kay Deans. Sa sobrang sanay ko na about sa training nila araw-araw, eh naipagsawalang bahala ko na ang tungkol sa ticket.

To: Deans
Hey, ubusan daw ngayon ng ticket? Meron na ba tayo?

Hindi naman matagal bago siya magreply.

From: Deans
Got 2 pero libre naman kaming players so sayang nitong isa.

"Pasama,"

"Ay butiki! Ano ba 'yan, Rein. Sumusulpot ka na naman kung saan saan," reklamo ko sa kaniya pero ngiting ngiti lang ang gaga.

"Hehe sorry. Nabasa ko kasi na dalawang ticket ang nando'n kay..." lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "...kay bebe mo. Baka naman, akin nalang 'yong isa hehe,"

"'Wag ka ngang maingay!" Suway ko sa kaniya.

Tumingin tingin pa ako sa mga kaklase ko para siguruhing walang nakakarinig sa 'min. Mabuti nalang at busy din sila sa kaniya-kaniya nilang pinag uusapan.

"Ang bilis naman ng mata mo pero oo nga 'no, sayang lang no'ng isa kung hindi mapapakinabangan. Teka lang, ipapaalam ko," agad akong nagtype ng reply kay Deans.

Si Rein naman ay nanatiling nasa tabi ko habang pinaglalaruan ang ballpen sa desk. Kontra pa sana si Deans pero napapayag ko rin naman siya sa huli.

"Okay na, sumama ka nalang sa 'kin bukas,"

"'Yon oh! The best ka talaga!"

Hindi na ako nagtaka nang sunduin ako ni Deans sa school dahil maaga raw silang pinauwi since need nila ng rest for tomorrow's game. Maaga rin kami dahil wala kaming last subject. Nang makasakay sa kotse ay agad siyang nagsalita.

"Parang ang close niyo na ha," aniya habang nakatingin kay Rein na naglalakad papalayo. Sa tono ng pananalita niya, alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

"Mahal kita kaya 'wag kang magselos. Wala lang sa 'kin si Rein, okay?" I assured her. Kinuha ko naman ang kamay niya at marahang hinalikan ito.

"I love you. Sigurado na 'ko sa 'yo," bulong ko na siyang ikinangiti niya.

Hindi ko alam kung paano ba 'yong kailangang gawin para ma-assure ko si Deans na sigurado ako sa kaniya at hindi na ako tumitingin o naghahanap pa ng iba kaya dinadaan ko nalang sa mga salita at pagpaparamdam sa kaniya nito.

Hanggang sa makarating kami sa condo ay hindi ko binitawan ang kamay niya. Naghiwalay lang ito nang bumaba na kami sa kotse. Napagdesisyunan namin na wala munang magsi-cellphone ngayong gabi dahil magpapahinga kami. We spend the rest of the night in each other's presence and arms.

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda papunta ro'n sa venue. Dinaanan din namin si Rein sa bahay nila para sabay-sabay na kami papunta ro'n. "

Hi! Goodluck sa game!" Rein said upon entering the car.

Wow ha, ang hyper! Parang hindi kinabahan dati kay Deans. Deans slightly smiled and said, "Thanks." Napangiti na rin ako dahil kahit papa'no may improvement 'yong pakikitungo nila sa isa't isa.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon