Chapter 5

228 6 0
                                    

"Nandiyan na kalaban niyong team," pambungad ko kay Maica nang makarating ako sa room. Naabutan ko siyang nakaupo at pachill chill lang. Mukhang hindi kinakabahan ang isang 'to ha.

"Oo nga raw eh. Mukhang magagaling nga eh," aniya. Iniabot ko naman ang isang mango shake at waffle sa kaniya. Natawa ako nang bigla siyang mabuhayan. Napailing iling nalang ako. Basta talaga libre buhay na buhay 'tong bruha na 'to.

Umupo naman ako sa katapat niyang upuan at kumain muna. Ayon kay Maica, isang oras pa bago magsimula ang laro kaya hindi naman kami nagmamadaling kumain. Sakto kakatapos lang namin kumain nang mag announced ang host na magready na raw ang mga players kaya nagsimula na ring magbihis si Maica.

Nakasuot na siya ng jersey na kulay maroon pagbalik ng room. Sa likod nito ay nakaimprinta ang apelyido niya at ang number '8'. Sa unahan naman ay nakasulat ang pangalan ng team nila which is 'Maroon Pythons.'

Nagselfie muna kami bago bumaba at tumungo sa gymnasium kung saan gaganapin ang finals ng volleyball. Inilipat sa auditorium ang ilang sports dahil prioritize raw talaga ang volleyball ngayon dahil may iilang media na narito para magcover ng laro. Sosyal 'di ba? Intrams lang 'yan pero may media na. Kung sabagay sikat naman talaga 'tong Dendrion State University. Isama mo na rin na sikat din ang kalabang school which is the Ateneo University.

"Goodluck," ani ko kay Maica bago siya tumungo sa mga kateam niya.

Hindi pa man nagsisimula pero medyo marami rami na ang taong nandito para manood. Well, gano'n talaga kapag may dayo ika nga nila tsaka marami naman talagang fan ng volleyball dito. Kinuha ko muna ang cellphone ko para magpicture para pang story sa Instagram. I captioned it with 'waitings' and 'AU x DSU women's volleyball game'.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ring mag ingay ang paligid dahil papasok na rin sa court ang kalabang school. Kulay blue naman ang Jersey color nila. Agad nahanap ng mga mata ko 'yong babae sa pastry shop at nakitang 3 ang jersey number niya. Nakita ko rin ang apelyido niya sa likod ng jersey.

"Wong huh," I said to myself. Her surname is Wong, maybe may lahi silang Chinese.

Palingon lingon siya sa paligid at nang magtama ang mga mata namin ay nagkunwari akong may hinahanap sa paligid. Geez, nakakahiya kung mahuli niya akong nakatingin na naman sa kaniya. Baka ma-creepy-han na 'to sa 'kin o baka naman kaya siya patingin tingin ay expected niya nang nasa akin ang nawawala niyang kwintas. I smirked. Kalma kalang diyan ate girl, isasauli ko naman 'to sa 'yo.

Nagsimula nang magsalita ang host at may konting introduction sa dalawang team. Nalaman ko rin na halo-halong year at course ang mga miyembro ng bawat team. Napaisip naman ako, ano na kayang year ni number 3? Hmm.

Hindi ko nga alam kung saan sumusuporta ang mga estudyante rito dahil sa nakabibinging ingay na umaalingawngaw sa loob ng gymnasium. Iyong iba naman ay may mga banner pa para ipakita ang suporta sa bawat team. Sa kabilang side naman ng gymnasium ay mga students ng Ateneo na pumunta rito para suportahan ang school nila.

Nagsimula na ang laban. Sa unang serve palang ni Wong ay hindi na agad ito na-received ng team nina Maica dahil akala nila ay lagpas sa linya pero saktong sakto lang pala kaya isang puntos para sa Flying Titans.

Naghiyawan naman ang mga manonood habang ako ay namangha dahil unexpected 'yon at pinakaunang serve ng laro. Grabe naman. Did she calculate it?

Sa mga sumunod na serve ay nagkakascore na rin ang Maroon Pythons kaya nagiging matindi na ang laban. Naghiyawan na naman ang mga manonood nang makascore ang Ateneo. Napataas naman ang kilay ko. Yong totoo, anong team kayo sumusuporta?

Grabe kasi 'yong sigawan nila kapag nakakapuntos ang Flying Titans. Kung sabagay, magaling naman talaga ang kalaban pero magaling din ang team namin.

Next serve ay si Wong ulit ang magsi-serve. Pinapatalbog talbog niya ang bola habang palingon lingon sa paligid. Nang magtama ang paningin niya sa 'kin ay yumuko siya at ngumiti saka sinet ang bola. Wait, what was that? Namalikmata lang siguro ako 'no?

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon