Chapter 40

148 6 1
                                    

"Ririe! Ririe! Wake up, we need to talk,"

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa gilid ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad nitong sinalubong ang nag aalalang mukha ni Deans. Nang makita ang itsura niya ay pumasok agad sa isip ko ang nakita kanina.

"D-Deans..."

Dahan-dahan akong umupo at hinarap siya.

"Baby, I'm sorry. Hindi ko alam na ipo-post 'yon ni Kerlynne. I don't have any idea dahil no'ng gabing 'yon, wala naman siyang sinabi. Baby, I'm sorry, hindi ko talaga alam," paliwanag niya. "At kung alam ko man, hindi ko naman siyang hahayaang gawin 'yon," dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa 'kin gayong hindi ko naman siya pinag iisipan ng ganiyan. Alam ko namang hindi niya hahayaan na i-post 'yon ni Kerlynne pero hindi natin mapipigilan kung anong gustong gawin ni Kerlynne kung bakit niya ginawa 'yon.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko no'ng nakita 'yong picture na 'yon kasi alam kong masasaktan ka. Ririe, I'm sorry...teka teka, tatawagan ko si Kerlynne. Sasabihin ko sa kaniyang i-delete 'yong picture na 'yon," aniya.

Akmang kukuha na sana siya ng cellphone niya ay bigla ko siyang pinigilan at binigyan ng isang ngiti. Natigilan naman siya sa ginawa ko.

"Ririe...bakit,"

Ayokong dumagdag na naman ako sa mga iniisip niya. Sobrang childish ko naman siguro kung pati 'yong picture pagseselosan ko pa 'di ba? I should be understanding.

Siguro I will look at the positive side of it na kaya pinost 'yon ni Kerlynne to gain more fans...para mas dumami ang supporters nila especially Deans.

"No, don't do it. Hayaan mo na siya, Deans. Wala naman siguro siyang intensiyon 'di ba? Siguro, 'yon lang ang sabi ng management, right? Mas...mas maganda nga 'yon na, minsan may picture kayo para updated ang mga fans sa kaniya kaniya niyong buhay," paliwanag ko.

Aaminin kong masakit, masakit na makitang tanggap si Deans ng mga tao especially ng mga fans niya na may karelasyong babae...na hindi ako pero, kaya ko namang tiisin eh. As long as, alam kong akin si Deans ay wala dapat akong ipag alala. Ramdam kong mahal niya ako at hindi ako nagda-doubt do'n.

"Ririe, are you sure? Hindi, ayoko. Ayokong makita kang ganiyan, kakausapin ko si Kerlynne. Hindi ko kayang tiisin ang ganito, so, please let me,"

"Deans, makinig ka sa 'kin, wala 'yon okay? Hindi ko 'yon iniisip. Ayokong bigyan ng meaning 'yon kasi malaki ang tiwala ko sa 'yo at alam ko namang ako lang 'di ba?"

"Of course, Ririe. Wala namang iba eh, pero are you really sure about it?" Paniniguro niya, kaya instead na sagutin siya ay niyakap ko nalang siya. Ramdam ko ang gulat ng katawan niya sa ginawa ko. "Baby..."

"I'm really sure about it, Deans. Don't worry about me, hmm?"

That afternoon ay niyaya niya akong mag-drive thru and we went to a park pero hindi kami lumabas ng kotse. We just enjoy our time inside the car dahil maraming tao ang namamasyal kaya hindi kami pwedeng lumabas. We talked about our anniversary and our future plans together.

Kapag nakagraduate na kami pareho ay magtatayo kami ng sariling business. Deans will pursue her volleyball career while I will also pursue my talent in singing. Siguro maghahanap ako ng mga music industries na open sa mga auditions for recording artists and I will start my own Youtube channel as well.

Ang sarap lang sa pakiramdam na magplano kayo ng mga bagay na gusto niyong gawin sa future nang magkasama. We will support each other kahit anong mangyari at alam kong we will both grow to our chosen careers.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon