["Sa'n kana? Sunduin ka namin? Dapat one hour before ay nando'n na tayo."] Ani ni Niccolai sa kabilang linya. Isinuot ko naman ang isa ko pang sapatos at sinintas ito.
"Uhm no need na. Pupunta nalang ako ro'n. I won't be late, I promise." Kinuha ko naman ang suklay at sinuklay ang buhok ko. Nagdalawang isip pa ako kung itatali ko o hindi pero at the end, hindi ko nalang tinali. Bet ko maglugay ngayon.
["Sure ka ha. Text me if magpapasundo ka."] Aniya.
"Uhm hindi na talaga. Pupunta nalang ako ro'n. Sige na, ba-bye!"
Agad kong ni-clicked ang end button dahil alam ko namang mangungulit at mangungulit lang 'yon si Niccolai. Ni-ready ko na rin ang mga importanteng dadalhin at inilagay 'yon sa bag. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagtipa ng message kay Deans. Saturday ngayon pero may training pa rin sila at ngayon din 'yong performance namin sa isang resto bar.
To: Deans
Hey, papunta na ako sa resto bar. Text mo 'ko kapag nakauwi kana ha. Ingat sa pagdadrive and rest well :)Wala pa siyang reply kaya nagdesisyon na akong umalis. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang isang oras pa bago ang performance namin kaya hindi ko kailangang magmadali. Ang iba kong kabanda ang dapat nando'n talaga nang maaga dahil mag si-set up pa sila ng mga instrument. Ako hindi naman dahil vocalist lang naman ako.
"Oh nandito kana pala, nagtotono pa sila ng gitara," pambungad sa akin ni Loelle nang makasalubong ako sa may entrance. Napansin ko naman na tinitingnan niya ang likuran ko na para bang may hinahanap. "Mag isa ka lang? Nasa'n bebe mo?" Tanong niya. Hindi na ako nagtaka kung sinong tinutukoy niya dahil alam niya naman na.
"Wala, nasa training pa," sagot ko. Nakita kong kumunot ang noo niya kaya dinugtungan ko kaagad ang sinabi ko. "Volleyball." Napatango naman siya na parang nagets iyon. "Ikaw? Mukhang paalis ka, sa'n punta mo?" I asked him.
Tinuro niya naman ang isang kotseng nakapark sa may parking habang nangingiti. Hindi na 'ko nagtanong dahil nakuha ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin. That was probably his boyfriend's car. Tumango nalang ako kay Loelle at nagpaalam na papasok na 'ko sa loob.
Tumulong ako sa pagliligpit ng kung ano pang gamit doon. Hiniram ko rin ang isang acoustic guitar at nag strum strum roon. I miss my guitar. Kung pwede ko pang makuha 'yon ay gagawin ko. Napatigil ako sa pagstrum nang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko naman ang text message galing kay Deans.
From: Deans
Kakatapos lang ng training. Uuwi muna ako para magshower then diretso ako riyan.Agad naman akong nagtipa ng reply nang mabasa 'yong text niya.
To: Deans
Aren't you tired? You need to rest first. I'll be okay here.Ipinagpatuloy ko ang pag strum sa gitara dahil wala pa siyang reply. She's probably driving right now. Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong binasa.
From: Deans
No, I'm not really that tired kaya pupunta ako, okay?To: Deans
Alright."Hey, ready yourself. 10 minutes before the performance," paalala sa 'kin ni Niccolai.
Nang iangat ko ang paningin ko ay saka ko lang napansin na nagsisidatingan na nga ang mga costumer. May nakikita pa akong kumakain na! Ibinaba ko na ang gitara at pumunta na sa back stage para mag ayos na ng sarili.
Kahit matagal na ako sa banda ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Baka kasi magkamali ako at husgahan o pagtawanan ng mga tao. Ipinipikit ko nalang ang mga mata ko kapag kakanta at iisiping walang mga taong nanonood sa 'min...sa 'kin. Oh kaya naman iisipin kong si Deans lang ang nanonood sa 'kin.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanfictionI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...