Chapter 26

155 5 1
                                    

Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang nag aalalang si Bea kaya mas lalo akong pinanghinaan ng loob. Wala na akong sinayang na oras pa at nauna nang maglakad sa kaniya. Wala na akong pakialam kung hindi ko na-lock 'yong pinto dahil hindi naman basta basta makakapasok ang sinumang tao sa condo na 'to.

Nang makarating sa kotse niya ay agad akong sumakay at gano'n din si Bea kaya pinaharurot niya na ang sasakyan papunta sa kung saan. Tahimik lang kami sa loob at tanging ang mga hikbi ko lamang ang naririnig.

"Everything will be alright," she said in the middle of the silence. Hindi naman ako sumagot dahil wala akong oras makipag usap ngayon. Tanging si Deans lamang ang iniisip ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit, mas masakit pa 'to no'ng ipagtabuyan ako dahil lang sa pagkatao ko. Hindi ako umiimik at patuloy lang sa pag iyak. Natatakot ako ngayon. Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong makita kapag nakarating do'n. Hindi ko ata kakayanin.

"We're here," napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Bea. Nang tumingin ako sa labas ay bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Bakit dito kami? Bakit hindi ospital ang nakikita ko? Hindi ko nalang pinansin 'yong thoughts na 'yon at sumunod nalang kay Bea patungo sa elevator.

Tumigil na 'ko sa pag iyak at napalitan na ito ng pagtataka habang paakyat ang elevator. Nang makarating kami sa floor ay wala pa rin akong lakas ng loob magtanong kay Bea kung ano ang nangyayari sa ngayon. Nalilito pa rin ako. Akala ko...akala ko na---

"HAPPY BIRTHDAY!"

Napahawak ako sa puso ko nang biglang umilaw ang buong paligid at bumungad sa 'kin ang napakagandang surroundings. There are tables surrounded with so many foods and drinks, a mini stage with instruments, and a beautiful and classic area filled with sunflowers with a touch of purple color. Do'n ko lang narealize na sunset ang theme na 'to.

People around are smiling and saying something to me but my attention is stucked with the brightest one. It's her, Deans. Nakauniform pa siya ng pangtraining at unti unting papalapit sa 'kin habang may dalang tatlong bulaklak ng kulay pulang rosas. Parang nag i-slow motion ang paligid at wala na akong naririnig. Tanging ang pagtibok ng puso ko ang nagbibigay ng ingay ngayon.

Nang tuluyan na siyang nakalapit ay ibinigay niya ang mga bulaklak. "Surprise, baby. Happy birthday!" She greeted. "Do you like it? Are you happy?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot dahil nagsimula na naman akong umiyak. "H-Happy ka diyan, happy ba 'yong pag alalahanin mo 'ko?" Binigyan ko siya ng mahinang hampas kaya natawa nalang siya.

"Aw!" She gently hugged me which made me cry even more. "Shh, I'm sorry. It was part of the plan." Hindi ko siya sinagot at dinama ko nalang ang pakiramdam ko ngayon. Ang kaninang pag aalala ay napalitan na ng saya. "Happiest birthday to my baby. I wanted you to feel all the happiness in the world because you deserve it. I love you so much, Ririe," she whispered while gently patting my head. I smiled and replied.

"I am so happy right now. Ngayon ko lang 'to naranasan. Thank you and I love you so much, Deans." I stared at her eyes and saw love and care. "Pero 'wag mo nang uulitin 'yon ha," binigyan ko siya nang mahinang hampas kaya natawa nalang siya.

"Sorry, actually suggestions nila 'yon especially Bea,"

"Sus, nansisi pa,"

"No ha, I'm telling the truth," she defended.

Niyakap ko nalang ulit siya and it feels like home. Natigil lang 'yon nang marinig ko ang hiyawan sa paligid. Gosh! May mga tao pala! Akala ko kaming dalawa lang ang nandito!

Bigla akong bumitaw sa pagkakayakap kay Deans at nakaramdam nang kaunting hiya. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Deans sa nakita kaya siniko ko siya nang patago. Everybody greets me a happy birthday. Some, especially Deans's friends and teammates gave me a hug.

She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon