"Ririelle P. Velasco, Cum Laude!"
Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig kong tawagin na ako ng emcee sa stage. Kahit pa napuno ng palakpakan ang buong area ay mas nangibabaw pa rin sa 'kin ang tibok ng puso ko ngayon.
Kinakabahan ako sobra pero naibsan naman 'yon nang hawakan ni papa ang braso ko kaya nabaling ang atensiyon ko sa kaniya.
"Tara, kunin na natin ang medalya mo. Naghihintay na sa 'yo oh," saad niya.
Hindi rin maitago ni papa ang ngiti niya ngayon dahil finally, nakapagtapos na ang anak niya at Cum Laude pa. Kahit hindi niya sabihin, ramdam kong sobra sobra ang kaligayahan niya ngayon.
Nanginginig kong kinuha ang diploma ko habang si papa naman ay kinuha na ang medal na isa-sabit sa 'kin. Inalis ko ang cap ko at bahagyang yumuko para maisabit niya 'yon nang maayos. Nagpalakpakan naman ang mga tao at kinuhanan din kami ng picture.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Deans sa may hindi kalayuan. Kahit pa, balot na balot ito ng hoodie jacket at facemask na suot, alam kong siya 'yon. She even waved her hand nang mapagtantong nakatingin ako kaya kumaway rin ako sa kaniya.
We shaked hands with the professors who made my entire college journey a noteworthy experience. I received a lot of congratulations habang nakikipagkamay ako sa kanila. Minsan pa nga ay napapaluha ako dahil sa ideyang aalis na ako sa university na 'to at ang tanging magagawa ko nalang ay i-treasure ang mga memories ko rito. Of course, not included those bad ones.
"Yown! Congrats sa 'tin! Finally, graduate na tayo! Ang saya saya ko!" Hindi mapigilang mapasigaw sa tuwa ni Athena habang papalapit sa 'kin dala-dala ang diploma niya.
"Athena!" We shared hugs nang magkalapit kami. Kasunod naman niya si Rein na nakabusangot dahil sa itsura niya ngayon kaya natawa naman ako.
"Congrats, Ririelle! Ang galing talaga. Sabi na nga ba isa ka sa magiging Cum Laude ng batch eh!" Saad niya nang bumitaw na kami sa yakap
"Salamat ha, hindi magiging memorable ang journey ko sa college kung hindi dahil sa inyong dalawa ni Rein," saad ko sa kanila.
"Asus asus, MMK yarn? 'Wag kana magdrama, hindi bagay sa 'yo tsaka ayoko rin magdrama 'no. Hindi sanay na maggano'n ang astig na kagaya ko," ani naman ni Rein habang nakaturo pa sa sarili niya.
"Ang KJ naman ng disney princess na 'to. Porket naka-make up ka ngayon," pang aasar ko sa kaniya kasi halatang halata ang make up niya ngayon at ang gaga, nakakulot pa!
"Pakyu! Pinilit lang ako ni mama mag make up hoy! 'Di ko gusto 'to," aniya. Umaaksiyon pa ito na parang tinatanggal ang lipstick niyang pula. Inis na inis na naman ang bruha dahil siya ang pinapansin naman ngayon.
"Asus, palusot kana naman. Ang ganda ganda mo kaya," papuri sa kaniya ni Athena kaya naman mahinang kaltok naman ang natanggap nito mula kay Rein.
"Gagu! Manahimik ka nga. Magpicture na nga lang tayo para hindi niyo na ako pansinin," inilabas niya ang cellphone niya at may kinalabit na lalaki sa may malapit. Talaga 'tong si Rein, palautos. "Kuya kuya, papicture nga kami. Gandahan mo ang kuha ha," dagdag pa nito.
After we took pictures, we parted our ways. Pumunta na kami sa kaniya kaniyang parents na masayang naghihintay sa mga grumaduate nilang anak. Lumapit din ako kay papa na malawak ang ngiti habang naghihintay sa akin.
"Congrats anak! Proud na proud ako sa 'yo. Kahit alam mo na, mahirap 'yong sitwasyon natin sa bahay at...ang pamilya, hindi ka pa rin nagpatinag kaya...saludo ako sa 'yo. Ang galing galing mo!" Maluha luhang saad ni papa kaya naman hindi ko na rin napigilang mapaluha at niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
She's That Girl (Book 1) (COMPLETED)
FanficI love watching the sun setting at the horizon, but, I love it even more when I'm watching it with her. They first met during college days and later on, fell inlove with each other. They have an almost perfect relationship but when Deanna became pop...