Chapter 24 : Cold

654 15 1
                                    

"Daniela, hindi nga ako pwede..." Ani ko habang naglalakad kami papasok sa office ko.

"Ano kaba bakla!, nasabi ko na sakanila diba? Nabroadcast ko na nga sa meeting kanina...kaya pumayag kana." Pamimilit nya pa sakin.

"Sinabi ko bang gawin mo yun?" Then i rolled eyes heavenwards.

"Bakla naman, alam ko naman na pareho nating ayaw na yung Lorry na yun yung maging model ng lingerie na ginawa ng Swane Fashion. They leave us no choice."

"They leave us no choice? Ikaw oo pero ako makakahanap ako ng ibang model dyan. Ghad Daniel! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo." Naiinis na pagalit ko sakanya.

"Chill lang bakla, anong hindi ko alam? Bakit? Hindi ka ba model? Duh..."

=_____=

"I signed a contract at New York Time Magazine."

"Then? Eh di ipacancel mo nalang yun bakla, madali lang yun"

"Oo madali pero hindi ganoon kadaling iwanan yung trabaho ko dun." Tapos binaba ko nalang yung folder na hawak ko. "Nangako ako na babalik ako doon"

"Bakit mo naman kasi ginawa yun?" Tapos humiga sya sa sofa ko. "Bakit ka nangako eh dito kana magtatrabaho."

"Saglit lang ako dito Dan. Babalik at babalik ako doon."

Bigla syang napaupo.

"Saglit? Anong ibig mong sabihin?!"

Oo nga pala =____= hindi nya alam.

"Nandito ako para tumulong sa biggest project ng S&L Publication."

"What th--- alam ba ng daddy mo yan?"

"Oo"

"Kung ganoon dapat lang talaga na gawin natin ang lahat para hindi sayang ang pagbalik mo dito. You should be the model of that lingerie for your Business."

"Ayoko nga =____="

"Oh'sya bahala ka, kung ayaw mo ikaw bahala...ikaw na rin ang kumausap kay President Legaspi para sa bagay na yan. Baka mamaya pagalitan pa ako, pagkatapos nating ireject yung idea na jowa nya ang maging model =____="

"Bakit ako?"

"Bahala ka, umaasa na yung mga yon na ikaw na talaga. Ciao!!" What th--?

Ako? Kakausapin yun? Seryoso?

"And don't you dare send your secretary para sya ang magsabi kay Tyron. Tsk tsk..."

"Hey! Wait Daniel!! Hindi pa tayo tapos!!" Tawag ko sakanya pero tuloy-tuloy pa rin syang naglakad palabas ng opisina ko.

***

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Habang naglalakad papunta dito ay kanina ko pa gusto kitilin ang buhay ni Daniela...! Now kailangan kong harapin at kausapin si Tyron

*knock-knock*

"Come in" narinig kong sabi nya mula sa loob kaya marahan kong pinihit paikot ang doorknob at dahan dahang tinulak ang dahon ng pinto.

"Yes Ms. Swane, What brough you here?" Agad na tanong nya nang makapasok na ako ng tuluyan sa loob.

"I came here to tell you something." Umayos naman sya ng upo, sumandal at pinagsalikop ang kanyang mga kamay.

"Please sit down."

"No need, saglit lang naman toh" tiningnan ko muna sya sa mga mata bago ako nagsimula. "About kanina sa meeting, yung sinuggest ni Mr. Bersosa...i think i can't do it." Diretsong sabi ko.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon