Chapter 26 : Photoshoot

580 9 1
                                    

"Mommy!!" Aniya habang pilit inaabot sakin ang isang puting bulaklak. "Take this mommy..." Then she smiled at me, Nakangiting inabot ko iyon at marahan kong hinaplos ang mukha nya.

"Why did you gave this to mommy?" Umupo ako para magpantay kaming dalawa.

"Because i wanted to see you smile..." at bigla nya nalang akong niyakap ng napakahigpit. "And i want you to know that im happy seeing you wearing that smile." Hinaplos ko ang kanyang buhok habang yakap yakap nya ako.

"Thank you baby..."

***

Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha ko sa aking pisngi. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Panaginip....

Na naman.

Napanaginipan ko na naman sya. Kahit panaginip lang ito alam kong siya iyon, batang babae na kamukhang kamukha ko... Her age? I think mga tatlong taong gulang, her blue eyes na kung tumitig sakin ay parang matutunaw ako sa sobrang saya. Noong mga unang taon ko mula ng umalis ako ay lagi kong pinagdarasal na sana mapanaginipan ko sya para makahingi ako sakanya ng tawad. Noong isang taon lang nagsimula ang kakaibang panaginip na ito. Noon hinihiling ko na sana hindi ito isang panaginip lang, na sana pagmulat ng mga mata ko ay nandoon sya at mahimbing na natutulog sa tabi ko.,

'What if'

Yan ang paulit ulit kong nasasabi.... What if bigyan ako ng chance na bumalik sa nakaraan? Siguro mas pipiliin kong hayaan si Tyron na iwanan ako... dahil alam kong may isang munting anghel na makakasama ko pagdating ng araw na isisilang ko na sya sa mundo.

Ilang milyong beses man akong magsisi ay hindi ko na maibabalik pa ang buhay nya, dahil mas pinaibabaw ko ang emosyon at pagkamakasarili ko.

Sa halip na bumalik sa pagtulog ay pinili kong bumangon.

Tiningnan ko ang digital clock na nasa ibabaw ng bedside table ko.

2:00 am palang.

Nagsimula akong maglakad palabas ng kwarto ko, hindi ko namalayan na nakatayo na ako sa tapat ng pinto dito sa pinakadulo ng pasilyo. Dahan dahan kong inangat ang kanang kamay ko para hawakan ang doorknob ng pinto.

Ito ang kwartong kami lang ni manang ang nakakaalam kung ano ang nasa loob.

Marahan kong pinihit at tinulak ang pinto para bumukas ito.

Huminga muna ako ng napakalalim bago ko inihakbang ang mga paa ko papasok.

Mula nang dumating ako dito, ngayon ko lang ulit ito masisilayan.

***

"Ma'am Gabrielle, sigurado po ba kayong mabuti na ang inyong pakiramdam?" Nag-aalalang tanong sakin ni manang.

"Yes manang, effective talaga yung mga gamot na pinapainom mo sakin" nakangiting sagot ko sakanya.

Ang totoo nyan, masama pa rin ang pakiramdam ko pero maayos na akong maglakad, wala akong planong umabsent... Kailangang matapos na ang project na toh sa lalong madaling panahon. Ngayong araw na kasi ang photoshoot, at ayokong ipagpaliban ang bagay na iyon.

At ayokong magmukmok na naman dito.

But, everynight na napapanaginipan ko sya... Pag-gising ko kinabukasan lutang ang pakiramdam ko, nakakaramdam ako ng sobrang lungkot. Yung feeling na bumabalik yung sakit. May kirot na bigla ko nalang mararamdaman.

***

Tinext na sakin ni Daniela kung saan gaganapin ang photoshoot. And i'm on my way there, palabas na ako ng elevator ng makasalubong ko ang bakla kong kaibigan.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon